"Oh ano naman ang ginagawa mo dito?" Kunot noo kong tanong kay Blake ng makita ko siya na kumakain sa aming munting carenderia.
Kakabalik ko lang mula sa tindahan nila aling Dory. Si Celine nama'y dumiretso na ng alis dahil sinundo na siya ng kanyang driver.
Kasama ni Blake sa lamesa ang aking nanay. Pinapanuod niyang kumain si Blake at nagkukwentuhan pa sila.
"Nagugutom ako eh." Sagot ni Blake.
"Kumuha ka lang ng ulam na gusto mo hijo." Sabi pa ni nanay na nagkakape.
"Ay di po ako tatanggi diyan." Sabi niya sabay kain nanaman ng menudo.
"Sinong kasama mo?" Tanong ko at sumama na rin ako sa pag upo sa kanila.
"Ngayon ba? May nakikita ka pa bang iba? Nako MJ ahh, natatakot na ako sayo." Sabay tawa pa niya. Napaka bwisit din kausap niyo eh.
"Dejoke! Babalikan ako ni Kuya dito. Aalis kasi kami, eh nagugutom ako kaya gusto ko munang kumain. Gusto mo sumama?"
"Saan naman?"
"Sa A&T resort. May music festival ngayon dun. And we have tickets. Tara, sumama ka na."
"Ayoko, gusto ko lang muna dito sa bahay." Napabagsak ang balikat ko ng maisip nanaman ang lahat.
"Sumama ka na anak. Nang makapag isip isip ka muna." Sabat naman ni nanay sa amin. Agad na napatingin sa akin si Blake at nag iwas nalang ako ng mata sa kanya.
"Talaga po? Payag kayo?" Sabi naman agad ni Blake.
"Nay..." Nakanguso kong sabi sa kanya.
"Kailangan mo yun, anak." Sabi pa niya at ngumiti.
"Osiya, tapos na akong magkape. Tutulungan ko na si Dindi sa ligpitin. Magbihis ka na agad ng makaalis na kayo." Paalam sa amin ni nanay.
"Saan naman ba kasi yun?" Usisa ko sa kanya.
"Basta. Magbihis ka na at patapos na akong kumain." Sabi niya sa akin.
"Oo na eto na nga eh." Tatawa tawa kong sabi at pumasok na sa aming bahay.
Nagpalit lang ako ng pink na shirt at maong pants. Nag rubber shoes lang din ako at lumabas na din ng bahay.
"Nay, okay na po ako." Sabi ko kay nanay.
Nandun na din si Blake na nag aantay sa akin.
"Lumakad na kayo anak. Baka mahuli pa kayo ni Blake sa pupuntahan ninyo." Sabi niya sa akin.
"Sige po." Lumapit lang ako sa kanya at humalik sa pisngi.
Sakto namang dumating na ang kanyang sundo.
"Sino ang magmamaneho satin?" Tanong ko sa kanya ng matanaw ang parating na sasakyan.
"Kuya ko, kasama yung vlogger din niya na kaibigan." Sagot niya sa akin.
Paghinto ng sasakyan ay agad na binuksan ni Blake ang pinto nito.
Pagkasakay namin ay agad naman akong pinakilala nito.
"Kuya, this is Micah Jade, classmate ko."
"MJ, this is Kuya Prince."
"Magandang hapon po." Magalang kong bati sa gwapong lalaki na nasa driver seat.
May nakaupo din sa passenger seat na lalaki na blonde ang buhok. Kaibigan din daw ng kuya niya iyon.
"Nice to meet you Micah Jade." Sabi ng kuya niya at ng kaibigan nito sa akin.
Buong biyahe ay nakikipag kwentuhan sila sa amin ni Blake.
Mukha namang mabait ang kuya niya.
Siya pala yung sinasabi ni Dracy sa akin na sikat na vlogger na kuya ni Blake. Si Prince Monteclaro.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...