Author's Note:
Hi! Kahit busy ako sa work, gusto ko pa ding makipag chikahan, magcomment lang kayo ng mga tanong ninyo sa akin. Kahit na ano, keribells lang. Personal man yan o tungkol sa mga stories ko.
Except lang sa tanong kung bakit ka mahalaga. Dahil sabi nga ng SUD sa kanta nila, walang sagot sa tanong, kung bakit ka mahalaga, walang papantay sayo! Ahaha charot lang.
Eto na talaga. Except lang sa tanong kung kailan ulit ako makakapag update. Dahil kahit ako ay hindi ko rin alam kung kailan nga ba ulit.
Pipili ako, or sasagutin ko nalang lahat sa next UD ko ang mga katanungan niyo.
Wala lang, pang alis bagot lang 'to.
Oh gow na! Read na tayo! Pak!
🤍🤍🤍
Carlene❤️🧡💛💚💙💜
Nakatayo kami ngayon sa harap ng grandiosa nilang mansion. Maliwag ang buong kapaligiran dahil sa dami ng ilaw dito. Inaantay namin si Mang Gerry na dinatnan namin na patapos na sa kanyang hapunan. Ihahanda rin daw muna niya ang sasakyan.
"Stephen, thank you for today, and yesterday. Hindi ko ito malilimutan." Nahihiya kong sabi sa kanya habang bitbit ko pa rin ang aking mga gamit. Maging ang bulaklak na bigay niya kahapon.
Yung mga gamit naman na isasauli ko ay inilapag ko muna. Mabuti nga at binigyan ako sa lobby kanina ng paperbag para sa lahat ng gamit na ito.
Alin ba ang hindi ko malilimutan? Yung party, o yung muntik ng paglapat ng mga labi namin.
Hay, bakit ba hindi maalis sa isip ko iyon, kanina pa.
"It's nothing. We just wanted you to experience everything. Yun lang din naman ang gusto ni Nanay Vicky, pano kasi napaka killjoy mo!" Pang aasar pa niya.
Nanay talaga ang tawag niya sa nanay ko eh. Nakiki-nanay din siya.
"Hindi ako kj no." Pagtatanggol ko pa.
"Eh ano lang? Party pooper? Tsaka Luddite na rin." Then he smirked.
"Grabe naman yung description mo sa akin ah."
"Talaga naman kasi. Last chance mo ng umattend ng ball, pero ayaw mo pa rin. And you're a Luddite 'coz it's like you really hated technology. Ultimo social media accounts wala ka. No doubt hindi kita ma-search."
"Eh nangingialam ka?" Pikon kong sabi.
"Sinasabi ko lang. Pikon agad." Tatawa tawa pa siya.
"Heto na pala yung gown, bag, sapatos at maging yung makeup na pang retouch na binigay sa akin kahapon." Sabi ko sa kanya sabay dampot ng napakalaking paper bag.
Tumaas naman ang kilay niya.
"Huy, sinasauli ko na oh." Sabay abot ko sa kanya nito ngunit hindi niya tinaggap at tiningnan lang iyon.
"It's yours." Tipid niyang tugon.
"Ha?" Napakunot na ang aking noo.
"I said, it's yours. You can keep it, for remembrance."
"Pero, hindi ko naman ito kailangan. Isa pa, mamahalin ang mga ito! Wala na talaga akong ipambabayad pa diyan. Malamang college na tayo ay kailangan ko pa ring mag tutor sayo."
"Mabuti nga yun eh." Bulong niya.
"Ano?" Paglilinaw ko sa kanya.
"Sabi ko, bakit ba napaka kulit mo? Hindi naman kita sinisingil ah. Basta ang sabi ko, sayo 'yan." Siya naman ang pikon na ngayon.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...