Maaga akong dumating sa school. Kaunti pa lang ang tao, pero sa classroom na ako naglagi.
Nilabas ko ang libro na sinumulan kong basahin noong isang araw.
"So, I guess we are who we are for alot of reasons. And maybe we'll never know most of them. But even if we don't have the power to choose where we come from, we can still choose where we go from there. We can still do things. And we can try to feel okay about them." -Charlie
(Stephen Chbosky, The Perks of Being a Wallflower)
Napabuntong hininga ako, ngunit sa positibong paraan. Nagbigay ng inspirasyon sa akin ang linyang iyon sa libro.
Kakayanin kong magtagumpay sa buhay. Magtatapos ako ng pag aaral at maghahanap ng magandang trabaho. Para sa amin ni Nanay.
Napapikit ako at napangiti.
Micah Jade, you can do it.
Pag dilat ng mata ko ay halos mapatalon naman ako sa gulat.
Nakatayo sa harapan si Stephen at nakataas ang kilay sa akin.
Tinitigan lang niya ako ng masama. Yung tinging matatakot ka kahit na malayo siya sayo.
Ilang sandali pa ay inismiran niya ako at naupo na sa kanyang upuan.
Anong problema nun? Ang aga aga ang sungit. Nakakasira ng araw ang lalaking ito eh.
Ano kayang masamang hangin ang nagdala sa lalaking ito ng ganito kaaga.
Anong problema niya? Naalala ko nanaman kahapon, nakatanaw siya sa akin at masama ang tingin niya, nakabusangot rin ang mukha.
Inabala ko nalang ulit ang sarili ko sa pagbabasa.
Ilang sandali pa ay unti unti ring napuno ang aming classroom. Umingay na rin kaya't hindi na ako makapag concentrate sa aking binabasa.
"Good morning baks!" Bati sa akin ni Dracy pagdating niya.
"Good morning!"
"Hindi na tayo nakakapag kwentuhan. Yung raket na binigay ni Ms. Ramirez, okay naman ba?" Makahulugang tanong niya sa akin.
Oo nga pala, hindi ko pa rin sa kanya nasasabi kung sino ang damuhong tinuturuan ko.
"Okay lang." sagot ko sa kanya, hindi ko na muna sasabihin sa kanya ngayon. Siguro ay mamaya nalang kapag nagkaroon pa kami ng oras.
"Totoo bang okay ka lang? Simula kasi ng nagsimula ka dun, hindi ka na namin makausap ng matino eh." Bahagya siyang lumapit sa akin.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Eh kasi sobrang busy natin eh. Sabay sabay ang gawain natin."
"Sabagay." Napatango naman siya sa pag sang ayon sa akin at napasandal na sa kanyang arm chair.
Pero bigla nanaman siyang napabalikwas at lumapit sa akin.
"Pero bakit sumakay ka rin daw sa sasakyan ni Stephen kahapon?" Tanong niya sa akin.
"Ha? Pano mo nalaman?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Ano ka ba. Yan ang usapan ngayon sa buong campus. Pag pasok ko pa lang ng gate, iyon na ang naririnig ko." Paliwanag niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Roman d'amour[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...