Sa mga nagdaan na buwan, halos araw araw akong naririto sa kanilang library.
At malamang, ito na rin ang aking huling beses na makakapasok dito.
Ngayon ko lamang naramdaman sa silid na ito ang ganitong klase ng lamig.
Lamig tila nanunuot sa aking buto.
Pilit kong nilalabanan ang aking kaba. Ayoko ng mag isip, dahil mas lalo lamang akong natatakot.
May ilang minuto din kaming nakaupo sa sofa ni Stephen, nag aantay sa kanyang ina.
Kung bakit kami pinatawag, at kung bakit kailangang kasama ako, ay hindi ko pa rin talaga alam. Basta ang alam ko lang ay kinakabahan ako.
Looking at him, he's calm, but quiet.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Agad kaming napalingon ng bumukas ang pintuan ng library.
And there, I saw his mom walking towards us, wearing dark red dress.
She's usually cool, but ngayon, nakakatakot at nakakapanindig balahibo ang kanyang aura.
Agad siyang naupo sa aming harapan.
He looked at Stephen, at sumunod ay sa akin.
Pinilit ko na lamang na umiwas ng tingin dahil sa takot. Napasandal siya sa sofa and crossed her legs. She's ticking her point finger sa arm rest.
Palipat lipat ang kanyang tingin sa amin. Stephen was just waiting for her mom na magsalita. Habang ako ay gusto ko na lamang umuwi sa takot.
Napapitlag na lamang ako ng bigla siyang umayos ng upo at matalim kaming tiningnan.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa..."
Napalingon naman kami sa kanya.
"Micah Jade..." seryoso niyang sambit sa aking pangalan.
"P... po?" Mahina kong tugon.
"Limang milyon. Layuan mo ang anak ko." Seryoso at mataray niyang sabi sa akin.
Nanigas na lamang ako sa aking kinauupuan.
Ito na pala yun. Ganito pala ang pakiramdam ng ganitong eksena. Yung akala kong sa teleserye at mga libro lang nangyayari, pwede rin palang mangyari sa akin.
"Mom! You can't do that!" Malakas niyang sambit upang tutulan ang sinabi ng kanyang ina.
Agad na napatayo si Stephen at ako nama'y napahawak sa kanyang palapulsuhan at bahagya siyang hinila upang bumalik sa pagkakaupo, ngunit hindi siya natinag.
"Ofcourse I can, Joseph." Tipid na sagot nito.
Saglit akong tiningnan ni Stephen.
"Mom, I love her. So please, stop this nonsense." Kalmado na niyang sabi na tila nag mamakaawa.
Napalipat naman ang tingin sa akin ng kanyang ina.
"How about you? Mahal mo na rin ba ang anak ko?" Tanong niya sa akin.
"Opo at wala pong katumbas na halaga ang pagmamahal ko sa kanya." Nangangatog na ang aking kamay sa takot.
"Mom stop this, please. We're both happy with each other. Huwag mo kaming paglayuin, hindi pwede, hindi ako papayag!" Matapang na sabi ni Stephen sa kanyang ina.
"Joseph..."
Nagpalipat lipat naman ang kanyang tingin sa amin at... at biglang siyang tumawa ng malakas.
"It's a prank!" She said to us at muli nanamang tumawa.
Napaupo nalang si Stephen at hinilot ang sintido.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...