Another year older. Ang wish ko lang ngayong birthday ko ay sana, matapos ko na itong libro na 'to haha. Thank you everyone, for staying with me kahit sobrang dalang ko makapag-update. Love you all.
🤍🤍🤍
Carlene❤️🧡💛💚💙💜
"Nanay Vicky! Welcome po!" Nagtatakbo si Andrei at agad na sinalubong si nanay.
Agad naman kaming lumapit ni papa sa kanila.
"Finally Vicky, pumayag ka ng dito na rin tumira, kasama namin. Welcome." Sabi naman ni Papa.
"Mapilit kasi kayo ni Jade, kung ako lang naman ay pwede pa rin ako sa dati naming tinitirhan."
"Hindi ko naman po pwedeng iwan kayo dun 'Nay. Isa pa, si Papa naman ang nagpapasabi sayo na kung dito na ako titira, dapat ay dito ka rin." Paliwanag ko naman kay Nanay.
"Yes! Nanay will stay here for good." Sabi pa ni Andrei habang naka angkla kay nanay at nakalapag pa ang kanyang ulo sa balikat nito.
"Zaion, baka naman mainis ang nanay vicky mo niyan. Kung makadikit ka ay akala mong mawawala siya." Paalala naman ni papa.
"Nako Ricky. Ayos lang." Bahagya pang ginulo ni nanay ang buhok ni Andrei.
"Hindi man nanggaling sa sinapupunan ko si Andrei, pero nanggaling naman siya dito." Sabay turo ni nanay sa kanyang puso.
"Yieeehh. Ang sweet ni Nanay Vicky sakin." Andrei said habang nakasandal pa rin ang ulo niya sa balikat ni nanay. Tiningnan pa niya kami ni Papa and stuck out his tongue.
Loko loko talagang bata.
Umakyat na kami at pinakita ko pa kay nanay ang aking bagong kwarto. Si Andrei naman ay diniretso na ang gamit ni nanay sa kanyang kwarto.
Matapos kong ipakita sa kanya lahat ay nagpaalam lang siya na pupunta sa kanyang bagong silid.
Ako nama'y nagpalit lang ng damit. Ayaw kasi pumayag ni Andrei na itong suot ko pa kanina ang gamitin ko para sa hapunan. Mamili daw ako sa mga dress na pinamili niya.
Ano to, artista lang? Palit palit ng damit kada scene?
Napili ko lang ang dress na ang lamig sa mata ng kulay. Light pink and nude floral jacquard dress na may puff sleeves. Hapit ito sa aking beywang ngunit A line naman ang skirt nito na hanggang bago mag tuhod ang haba.
Nang makuntento na ako sa aking gayak ay agad akong nagtungo kay nanay. Sakto namang palabas na si Andrei ng kwarto ni nanay dahil nagpapalit na rin daw siya ng damit.
Kaya't sa huli ay kami na lang ni Nanay ang naiwan sa kwarto niya. Naupo lamang ako sa malambot niyang kama at napahinga ng malalim.
"May problema ba anak?" Agad na tanong ni nanay ng mapansin niya ang aking lagay.
"Ahh wala po 'Nay." Sabay pilit kong ngiti sa kanya.
Umupo naman siya sa aking tabi.
"Anak, ito na ang buhay mo mula ngayon. Malayo sa kinalakihan at kinasanayan mo. Alam kong naninibago ka, pero lahat naman ng ito'y nararapat na para sa'yo. Pero, huwag mo lang din sanang makakalimutan ang mga aral ko sa'yo." Tagubilin pa ni Nanay sa akin.
"Opo 'Nay." Tugon ko sa kanya at niyakap siya.
Pagkalas namin sa yakap ay tiningnan niya ako.
"Oh, ano pa ba ang iniisip mo? Bakit hindi ka pa rin mangiti diyan." Puna niya sa akin.
"Pinasabihan po kasi ni Papa si Stephen na sumalo sa atin ngayong hapunan. Kaya kinakabahan po ako 'Nay. Eh alam niyo naman, hindi goods ang mga Wong sa mga Liu, 'di ba?" Nag aalala kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...