Author's Note:
My original plan was to upload this chapter next week. Pero dahil gusto kong makabawi sa inyo kahit papano, ngayon ko na in-upload. (Sa totoo lang ay excited din talaga ako para dito.)
This chapter is special to me. Aside from this is the 50th Chapter, ay matagal ko ding inantay na makarating at maisulat ang part na 'to.
At alam ko ding 2 years, 9 months and 6 days niyo itong inantay.
I want to thank everyone na nananatiling nakasubaybay, gaano man kabilis o kabagal ang pag usad ng kwento.
🤍🤍🤍
Carlene❤️🧡💛💚💙💜
"As a scholar, and the class president of the top section of seniors, hindi lang maganda na nadadawit ka sa gulo, kagaya kahapon."
"I apologize for what happened ma'am. I'm willing to accept the consequences of what I did." Mahina kong tugon sa kanya.
Umiling naman ang guidance counselor sa akin.
"Hindi kita bibigyan ng disciplinary action. I'll just give you a warning. Alam naman namin kung sino ang nagsimula ng gulo. Mula sa basketball event, hanggang sa food stalls. Napanuod din namin ang videos and clearly, hindi naman ikaw ang nagsimula ng lahat." Paliwanag pa niya sa akin.
"Thank you Ma'am."
"I just hope that this would be the last. Umiwas ka nalang hangga't maaari hija, okay?"
Tumango naman ako sa kanya.
Simula ng mag aral ako, ngayon ko lang naranasang ipatawag ng guidance counselor dahil nasangkot ako sa isang gulo.
Nakakahiya at hindi talaga ako proud sa nangyari at ginawa ko. Pero hindi ko pinag sisisihan iyon lalo kung ipinagtatanggol ko lang ang sarili ko.
"Anong balita?" Tanong agad sa akin ni Zoe pagkalabas ko ng office.
"Bakit hingal na hingal kayo?" Tanong ko sa kanya.
"Obviously, kakatapos lang ng laro namin. At ngayon lang namin nalaman na pinatawag ka, kaya nagtatakbo kami para puntahan ka dito." Habol hininga niyang tugon sakin.
"Expelled ka na ba?" Tanong ni Xavier.
"Ipapakausap natin kay SJ ang mga board, baka sakali na magbago ang isip nila." Dagdag pa ni Samuel.
"Pano na ang mga pangarap mo baks?" Tanong naman ni Dracy.
"Pano mo sasabihin kay Nanay Vicky na kailangan mo ng lumipat ng school?" Dagdag din ni Bry.
"Ano, magsalita ka naman..." Pangungulit ni Blake pero pinutol ko na sila.
"Pagkuwentuhin niyo kaya muna ako?" Taas kilay kong sabi sa kanila. Napakamot naman silang lahat sa ulo at natawa.
"Binigyan lang ako ng warning. Pinagsabihan lang ako. OA niyo eh." Paliwanag ko pa sa kanila sa mga nangyari.
"Ahh yun lang naman pala. Sorry na, nag aalala lang kami. Alam naming first time mo eh." Sabi ni Xavier sa akin.
"Nakahinga na kami ng maluwag." Tila nabunutan naman ng tinik si Samuel.
"Nasan si Stephen?" Tanong ko sa kanila.
"Nung nalaman na ipinatawag ka, biglang umalis eh. Akala nga namin dito pupunta." Sagot ni Zoe sa akin.
Saan kaya nagpunta yun?
Sabagay, lilitaw naman yun maya maya.
"Bakit, miss mo agad?" Pang aasar sakin ni Dracy.
"Hindi ahhh." Tipid kong sagot sa pang aasar nila.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...