"Papa..."
Mahina kong tawag sa kanya pagkalapit ko sa kanila.
Agad na tumayo si Kuya Chris at kinuha ang kanyang iPad. Tumayo siya sa gilid ni Papa.
"Anak, you're back. Kamusta ang Boracay? Nag enjoy naman ba kayo ni Stephen?"
Tumango naman ako sa kanya. Napakunot ang kanyang noo ng mapansin ang itsura ko.
"What's the problem? Masama ba ang pakiramdam mo? Magpahinga ka na muna at magpapahanda ako ng pagkain at gamot kay Elsa."
"Papa, may itatanong po ako sa inyo." Sabi ko ng makahanap ako ng lakas ng loob upang mag simula.
Nagtataka naman niya akong tiningnan, ngunit tumugon din. "Sige anak, ano iyon?"
"Kayo po ba ang may ari ng sasakyan na ito?" Tanong ko. Lumapit ako sa kanyang lamesa at iniabot ang papeles na galing kila Tita Selena.
Kinuha naman niya iyon at saglit na sinuri ngunit napakunot lamang ang kanyang noo.
"Chris, nagkaroon ba ako ng ganitong sasakyan?" Tanong naman ni Papa sabay abot ng papeles kay Kuya Chris. Bahagya siyang nagulat ngunit agad na sumeryoso ang mukha.
"Yes sir, ito po yung sasakyan na dala ni..." Agad ko ng pinutol ang sinasabi ni Kuya Chris.
"Kayo po ba ang may dala niyan, April 21, 7 years ago?"
Natigilan naman si Papa.
Siya na nga ba?
"Ha? Bakit anak?" Naguguluhan niyang tanong.
"Can you please..." pilit ko pa ring pinapakalma ang aking sarili. "Please just answer me Papa." Bahagyang tumaas ang aking boses at may luha ng tumulo sa aking mata.
"Anak, calm down, okay?" Nag aalala na niyang sabi sa akin.
"Ano po ba talaga ang nangyari? Bakit sa inyo nakarehistro ang sasakyan na nakabangga sa kapatid ni Stephen?" Bulalas ko.
"What?! Sandali Micah Jade, naguguluhan ako sa mga nangyayari." Gulat niyang tugon sa akin.
"Stephen's elder sister died April 21st, 7 years ago. Hit and run." Halata ulit ang pagkagulat kay Kuya Chris, ngunit hindi ko iyon pinansin.
"Ngayon lang nila na trace who was the owner of the car. And it was registered under your name. So please tell me, kayo ba ang nakabangga?!" Pagtutuloy ko.
Hindi naman agad nakasagot si Papa sa akin. Nakatingin lamang siya sa malayo at napabuntong hininga.
"Anak... More than ten years na akong hindi nagmamaneho ng sasakyan, dahil palagi naman akong may kasama na driver at security kahit saan ako magpunta. At Micah Jade..."
Napahinto naman siya at tila nagkaroon ng lungkot sa kanyang mukha.
"That date na sinasabi mo, hinding hindi ko pwedeng makalimutan yan..."
Muli nanaman siyang napahinto.
"I will never forget that day, because that was the day that your Tito Ramon died."
"Po?" Gulat kong tanong sa kanya.
"At anak, wala kami ng Tita Rachelle mo sa Pilipinas ng araw na iyon. Si Chris lamang ang unang tumawag sa amin para ibalita ang nangyari sa kanya."
"Papa..." Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko.
"Ms. MJ, I'll tell you what happened." Singit naman ni Chris. Hindi man ako tumugon ay nagsimula naman siyang ikwento ang lahat.
"I was supposed to be with Sir Ricky and Ma'am Rachelle to Taiwan for that business trip. Pero hindi na ako nakasama dahil may mga importanteng trabaho na naiwan sa opisina. Sa lumang mansyon pa nakatira si Sir Ricky, si Andrei at si Sir Ramon. Hindi pwedeng umalis si Sir Ramon ng walang driver o security na kasama. But that day, nagpumilit si Sir Ramon na umalis, at dahil wala si Sir Ricky ay walang nagawa ang security kundi ang hayaan na lamang siya sa gusto niya. Matagal ng may sakit sa puso si Sir Ramon, and while he was outside alone, nakaramdam siya ng pananakit ng dibdib kaya't dinala niya ang sarili niya sa ospital. Pero that day, kasamaang palad ay binawian siya ng buhay. The doctors can't contact Sir Ricky or Ma'am Rachelle kaya't ako ang tinawagan. At hindi ako maaaring magkamali dahil ako ang nag asikaso ng lahat habang pauwi pa lang sila ng Pilipinas. Ms. MJ, that was the car na dala ni Sir Ramon that day, hanggang sa ospital."
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Dragoste[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...