"Who got 9?" Tanong ng teacher namin sa Pre- Calculus.
Nagtaas naman ako ng kamay. Am I the only one who got 9? Bakit wala ng nagtaas ng kamay?
"Very good MJ." Sabay ngiti ni Sir Diaz sa akin.
"Does anyone got a perfect score?" Tanong ulit niya.
May isang nagtaas ng kamay.
Pero laking gulat ko ng si Stephen iyon.
Naka perfect 10 siya...
Naka perfect score siya???
Eh teka, kinopya lang naman niya ang assignment niya sa akin ahhh.
Tapos ako pa ang 9 ang score, tapos siya naka perfect?!
Aba magaling.
Flashback
"Magmali ka ng atleast one or two answers, baka makahalata na nagkopyahan tayo." Sabi ko sa kanya bago ko iabot ang notebook kung saan ko sinulat ang mga formula.
Hindi siya sumagot but he rolled his eyes on me. Padabog din niyang kinuha ang notebook sa akin.
End of Flashback
Arghhh. Yung lalaking yun talaga!
Paniguradong nakita na niya ang mali kong sagot sa takdang aralin, pero hindi manlang niya sinabi.
Nakakainis. Nakakairita talaga ang lalaking iyon!
Nakita kong lumingon siya sa akin and he sneered.
Hinayaan ko na lang at tinuon ko nalang ang atensyon ko sa lesson namin.
Kailangan kong pag igihan ang pag aaral.
At hindi ako pupwedeng magpaapekto sa kahit kanino, kahit sa lalaking iyon pa.
Natapos ang klase namin at nag lunch break na.
"May baon kayo?" Tanong ko sa dalawa kong kaibigan.
"Oo!" Sabay nilang sagot sa akin at inilabas ang kanilang lunch box.
Sabay sabay namin inayos sa harapan namin ang aming mga pagkain.
Lumapit sa amin si Blake.
"I have baon also!" Masaya niyang sabi at humila ng isang upuan palapit sa amin.
"Wow!!!" Ang tanging nasabi ni Bryan ng ilabas ni Blake sa paper bag at buksan ang napaka dami niyang lunch box.
Grabe, napaka dami ng baon niya. Sino kaya ang nagluto? At mukha ngang masarap ang baon ni Blake. May baon pa siyang disposable plates at spoon and fork. Grabe, ready siya eh.
Ang ganda pa ng presentation ng pagkain. Mayroon pang garnish eh.
Pero napahinto ako sa pag titig sa mga pagkain ng may tumindig sa aking harapan. Si Stephen.
Inilahad niya ang kanyang kamay na tila may hinihingi sa akin.
Nagtaka ko lamang siyang tiningnan.
"Ba... bakit?" Buong tapang kong tanong sa kanya.
Naiinis pa rin ako sa kanya, lalo sa kayabangan niya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga sinabi niya tungkol sa nanay ko.
"Where's mine?" Tanong din niya sa akin.
Ha? Ano daw?
Talagang inasahan pa niyang ipag babaon ko siya?
"Hindi na kita pinagbaon, para wala ka ng maipintas pa." Sagot ko sa kanya at nag iwas na lamang ng tingin.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romance[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...