Puyat na puyat na ako.
Inaantok na ako pero nawawala ito dahil sa sobrang tawa ko.
Ang dami na naming nalaro, Monopoly, Uno Cards at nag Charades pa kami.
Pero sa lahat ng iyon, ay wala pa ring naipanalo si Stephen.
Kaya't ang kanina ko pang naririnig sa kanya ay 'madaya kasi eh' at 'walang kwentang laro naman yan'.
Ako naman ay tawa lang ng tawa sa pagkapikon niya.
Kaya nga ngayon, huling laro na daw namin ito. Yung tinatawag nilang Jenga. Nakakatuwang laruin dahil masusubok dito ang kontrol mo. Pangatlong round na ito at sa naunang dalawang round, si Stephen din ang nakasira ng tower.
Sinasabayan din namin ito ng pag inom ng beer. Ngayon lang ako nakatikim nun. Sa una ay mapakla ang lasa, pero katagalan naman ay masarap na rin naman. Pero mula kanina at hanggang ngayon, hindi ko pa rin maubos ang isang bote na inabot nila sa akin.
Hindi rin naman nila ako pine-pressure na ubusin iyon.
Noong una nga ay nag aalangan pa si Stephen kung bibigyan ako, pero sa huli naman ay pumayag na siya.
"Ang pula mo na MJ!" Puna sa akin ni Bry.
"Hala, oo nga! Para ka ng kamatis sa pula. Pero yung beer mo, hindi mo pa rin nauubos." Sabi naman ni Xavier.
"Mapula talaga? Hindi ba pinkish? Pinkish dapat no!" Sagot ko sa kanya.
"May tama na to." Napakamot sa ulo si Zoe.
"Wala ah! Ikaw, gusto mong tamaan?" Sabay pakita ko ng kamao ko kay Zoe.
Nagtawanan naman sila. Pero napatingin ako kay Stephen na katabi ko ngayon. Nakatingin lang siya sa akin at nanlalaki ang mata. Tila hindi siya makapaniwala sa mga nakita niya.
Napatuon ang aking atensyon sa Jenga tower.
"Oy bakulaw, turn mo na." Sabay tapik ko sa kanyang braso.
Napaigtad pa siya sa gulat. "Anong bakulaw?" Inis niyang tanong sa akin.
"Bakit, aangal ka?" Asik ko sa kanya.
"Aist!" Inis nalang siyang tumuon sa Jenga.
Impit silang napatawa.
Pahirap na ng pahirap ito at ngayon ay turn na ni Stephen para mag tanggal ng isang Jenga block sa tower.
"Aaaaah!" Sabay sabay naman kaming napasigaw ng magkahulog na ang tower.
"Aist! Ayoko na niyan." Parang bata nyang sabi at ikinalat pa lalo ang blocks sa lamesa.
"Si Master, walang naipanalo kahit isang laro." Pang aasar ni Xavier.
"Bakit, ikaw ba meron?" Naniningkit na tanong ni Stephen.
Nakakatuwa siyang tingnan kapag ganyan, namumula at naniningkit ang mata.
"Wala din. Hehe." Napatawa din si Xavier.
"Tara na, matulog na tayo. Let's call it a night." Mabagal na sabi ni Blake.
Slow motion na siya magsalita.
"Oo nga. Dun na kayo ni Dracy sa kwarto na pinagbihisan niyo. Kami ni Stephen at Bry, dun kami sa kabila. Tapos si Zoe, Blake at Xavier na dun sa isa pa." Sabi ni Samuel sa akin na halata ring tinamaan ng konti sa ininom niya.
"Okay. Magliligpit lang muna ako." I answered him pagkatayo ko mula sa aming kinauupuan.
"No need, may mag aayos na diyan. Tara na matulog na tayo, bwisit na mga laro yan." Lasing din na sabi ni Stephen at iniwan na kami kasama si Samuel at Bry.
BINABASA MO ANG
Crazy Rich Transgender
Romansa[ONGOING] Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin ang mga komplikadong sitwasyon, kesa sa mas simpleng bagay? Bakit pinapahirapan natin ang sarili natin, gayong may mas madali namang pagpipilian. Bakit nga kaya minsan, mas pinipili natin yung tao...