51 💛 A Life Well Lived

1.4K 87 7
                                    

"Tapos na ako Baks!" Masaya kong sabi kay Dracy at iniharap sa kanya ang ginawa ko.

"Wow! Ang ganda baks. Bongga!" Sagot naman niya sa akin.

"Sure ka ba? Magugustuhan niya to?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Palagay ko ba, baka ipa preserve pa ng jowa mo yan." Tatawa tawa niyang sagot sa akin.

Ilang araw na kasi akong nag iisip kung ano ba ang pwedeng iregalo kay Stephen. Ang hirap naman kasi regaluhan ng mga mayayaman. Kaya naman kasi nilang bilhin lahat eh.

Mabuti nalang at magaling ang kaibigan kong ito. Naisipan niyang ipag bake ko nalang ng cake si Stephen. Marunong kasi kaming mag bake dahil diba nga, bago pa man kami mapunta sa Music Club ay nasa Baking Club kami. Mabuti nalang at may oven din sila Dracy sa bahay nila kaya dito nalang kami gumawa.

Dito ko na rin muna ipapatago sa kanilang ref, para bukas ay dadaanan ko nalang siya bago pumunta sa birthday celebration ni Stephen.

Umuwi na rin ako ng bahay dahil buong maghapon na akong wala sa amin.

Busy si Nanay Vicky, ilang araw na rin siyang hindi nagbubukas dahil inaasikaso nila ni Ate Dindy ang bubuksan na kainan sa kanto. Nakakaexcite nga eh. Tumutulong din ako dun pagkatapos ng tutorial session namin ni Stephen at sabay na kami ni nanay na umuuwi sa aming bahay.

Nagkwentuhan kami habang naghahapunan. Sinabi ko naman sa kanya ang aking regalo para kay Stephen.

Alam ni nanay na nililigawan ako ni Stephen, at siguro ay ngayon ang tamang pagkakataon para sabihin ko sa kanya na opisyal na kaming
magka relasyon ni Stephen.

Isipin ko pa lang ay kinikilig na ako.

"Napapangiti ka dyan anak? Ganun ba kasarap ang cake na ginawa mo?"

"May uwi po ako dito 'nay, gumawa din ako ng para sa atin." Sabay tayo ko at kinuha iyon. Pinaghiwa ko na rin siya at binigyan siya sa kanyang plato.

"Kamusta na po sa kainan?" Tanong ko kay nanay dahil hindi na ako dumaan ngayon dun upang tingnan.

"Maayos na anak. Tuyo na ang pintura kaya inayos namin ni Dindy ngayon ang mga gamit. Ilang araw na lang ay pwede ng magsimula." Masaya niyang balita sa akin.

Excited na din ako na magsimula si nanay sa bago niyang pwesto.

"Nako anak, masarap ang ginawa mong cake ah." Puri niya. "Magugustuhan ito ni Stephen panigurado." Sambit niya sabay tikim ulit doon.

"Nanay, may gusto po akong sabihin sa'yo."

"May umaaway ba ulit sayo sa iskwelahan niyo? Gusto mo bang puntahan ko na?" Concern niyang tanong sa akin.

"Hindi po. Wala na pong umaaway sakin."

"Sige, ano ba ang sasabihin mo?" Kalmado na niyang tanong.

"Kasi po... Kami na po ni Stephen." Lakas loob kong sabi.

Napahinto si nanay sa pagkain at tiningnan ako.

"Kailan pa?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"Nung gabi po ng championship game nila."

Napabuntong hininga si nanay at seryoso akong tiningnan.

"Naalala ko noon, mayroon akong kasama sa trabaho na nagsabi sa akin. Kami daw ng tatay mo ay parang ibon at aso."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni nanay.

"Magkaiba daw kasi kami ng uri at kailan man ay hindi pwedeng magsama. Mayaman sila, habang kami ay hamak na taga silbi lamang."

Crazy Rich TransgenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon