25 ❤️ Magic In The Air

3.4K 200 29
                                    

"It's your fault." Masungit na sabi sakin ni Stephen.

"Oh, bakit ako?" Nakanguso kong tanong sa kanya.

"Ang tagal mo kasi. Inabutan na tuloy tayo ng traffic." Inis niyang tingin sa akin.

"Mga babae talaga..." Iiling iling pa niyang bulong.

"Wala naman akong sinabi na isama mo ako sa ball ah. Ayoko naman talaga eh!" Angal ko sa kanya.

"Eh gusto ko eh!!!" Taas kilay niyang sambit.

"Excuse me Sir Stephen, there's a car collision sa expressway, kaya po nagka heavy traffic. Tama lang naman po ang time schedule niyo, nagkaroon lang talaga ng banggaan kaya't nagka traffic." Sabi naman ni Ms. Yna.

"I'm not asking you." Supladong sagot naman ni Stephen sa kanya.

Napanguso nalang si Ms. Yna. Siguro ay kagaya ko, nasanay nalang din siya sa ugali ng young master niya.

Napahawak si Stephen sa kanyang baba. Halatang nag iisip.

Andito kami ngayon sa harapan ng L hotel, kung saan ako ibinaba ni Mang Gerry kanina.

Kasama namin ang dalawa niyang bodyguard at si Ms. Yna.

Agad din na naglapitan kanina at sinundan kami palabas ng mga hoteliers kasama si Sir Ace na general manager ng hotel at ang ilan pang security.

Bakit nga ba parang naaligaga sila, at tila ayaw nilang magkamali sa harapan ng lalaking ito? Ganun ba sila sa mga kliyente nilang umuukupa sa presidential suite?

Sabagay, 300,000 pesos per night ang bayad dun, hindi pa kasama ang tax. Kaya nga siguro, ganito nila pahalagahan si Stephen. VVIP treatment talaga.

May huminto naman sa harapan namin na isang black Limousine. Ang gara pala nito sa personal, napakakintab pa. Sa mga litrato ko lang iyon nakikita noon, pero hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na ito ngayon.

Siguro ay isa rin sa mga mayayaman na kliyente ng hotel na ito ang lulan nun.

Napakunot noo ako ng si Mang Gerry ang bumaba mula sa driver seat.

"Ohhh. Si Mang Gerry yun ahh. Anong ginagawa niya dun?" Mahina kong sabi.

"Yan ang sasakyan niyo ni Sir Stephen." Bulong din sakin ni Ms. Yna.

Napahawak pa ako sa aking bibig sa gulat.

Seryoso ba talaga? Ito ang sasakyan namin.

Talagang nagpalit pa si Stephen ng sasakyan eh, pwede naman na iyong pinangsundo nalang sa akin ang gamitin namin. Eh yun nga lang eh ang ganda ganda na nun.

"Sir, your car is here..." sabi naman ni Sir Ace kay Stephen na nakahawak pa rin sa baba niya at nag iisip pa rin.

"We'll be late by approximately 45 minutes, and by that time, tapos na ang red carpet entrance." Sabi naman niya.

So, totoo ngang kinalkula niya sa utak niya ang oras.

Nagulat naman kami ng bigla siyang napapitik sa hangin.

"Alam ko na..." Agad naman niyang inilabas ang kanyang cellphone at may tinawagan.

Naglakad na siya papasok muli ng lobby ng hotel kaya't hindi ko na narinig kung sino ang kanyang kinausap.

Sumunod agad sa kanya si Ms. Yna at Sir Ace at maging ang dalawa niyang security.

Ano nanaman bang naisip ng lalaking yun? Bakit pumasok nanaman siya eh nandito na ang sasakyan niya.

Tanaw ko mula sa salamin na seryoso niyang kausap si Ms. Yna at Sir Ace. Matapos nun ay pareho pa silang may tinawagan sa cellphone.

Crazy Rich TransgenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon