40 💚 It Really Hurts

2.1K 163 22
                                    

Sabay na kaming bumalik ni Samuel sa table.

Andun pa rin sila, nagkakasiyahan.

"Nasan si Stephen?" Tanong ni Samuel.

"I don't know, nasa cr siguro." Tugon ni Xavier.

"Eh si Celine?" Tanong ulit ni Samuel.

"Tinawag ng staff nila, may kailangan ata sa kanya." Si Sylvia naman ang sumagot sa tanong ni Samuel.

Biglang yumukod sa aking tenga si Samuel and whispered.

"Go find and tell him." And he winked at me.

Then he mouthed "You can do it!"

Bahagya akong tumango sa kanya.

Binigyan ako ni Samuel ng lakas ng loob para magtapat kay Stephen.

Siguro, tama nga si Samuel. I should follow my heart.

Agad naman akong naglakad palayo, para hanapin kung nasaan si Stephen.

Narinig ko pang nag tanong si Zoe kung saan ako pupunta.

Samuel answered him.

"Kukuha lang ng jacket, medyo malamig na kasi eh." Pagdadahilan pa niya kila Zoe.

Agad akong bumalik ng villa, baka sakaling andun si Stephen. Pero wala eh.

Umikot ako sa paligid, ngunit hindi ko rin siya napansin.

Muli akong sumilip sa lamesa namin pero wala pa rin siya dun.

Nasaan kaya si Stephen.

Halos nalibot ko na ang resort, pero wala talaga siya.

Namahinga ako sa isa sa mga upuan sa may parking area, ito nalang kasi ang lugar na hindi ko napuntahan.

Napagod ako kakaikot, nasan na ba kasi yun.

Aamin na nga ako sa nararamdaman ko, pinapahirapan pa ako ng lalaking yun.

Patayo na ako ng marinig ko na tila may nagtatawanan sa di kalayuan sa akin.

Jusko nakakatakot naman pala dito.

Pero naglakas loob ako na hanapin kung saan nanggaling yun.

Pero sa pag silip ko ay napakunot ang noo ko.

Si Celine iyon ahh.

Kasama si Stephen.

Dahan dahan pa akong lumapit ng kaunti

"Thank you so much, Celine. Kaya mahal kita eh." Stephen said.

At nagulat din ako ng bigla silang nagyakap.

Wait.

Sinabihan ni Stephen na mahal niya si Celine. At ngayon naman ay niyakap niya ito.

Napako ako sa kinatatayuan ko at tila binuhusan ako ng malamig na tubig.

Unti unti, nakaramdam ng sakit ang puso ko.

Hindi literal, pero masakit.

Agad akong tumalikod, hindi ko kayang tagalan ang nakita ko.

Nagmadali akong naglakad palayo.

Hindi ko namalayang umaagos na mula sa aking mata ang luha.

Ano ba naman ito.

Bakit ganito.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Hindi maproseso ng utak ko ang nararamdaman ko. Basta ang tanging alam ko lang ay nasasaktan ako.

Crazy Rich TransgenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon