23 💙 Will You Be My Ball Date?

3.6K 213 25
                                    

Maaga akong bumangon.

Sanay ang katawan ko na alas singko pa lang ng umaga ay gising na. Hindi rin kasi ako sanay magpuyat eh. 9pm palang ng gabi ay nakahiga na ako. Ang 10pm para sa akin ay puyat na ako.

"Anak, bakit bumangon ka na? Matulog ka pa." Sabi sa akin ni Nanay na dinatnan ko sa aming munting kusina na naghahanda na ng rekado sa paninda niya.

"Tutulong na po ako diyan, para mas mabilis na makaluto ngayon." Pilit ko naman sa kanya.

"Anak, sanay na sanay na ako sa araw araw na ginagawa ko at hindi mo ako kailangang intindihin. Ikaw, bumalik ka na sa kama mo at mahiga ka pa."

"Pero..."

"Anak, magpahinga ka pa. Ngayong araw ka lang walang pasok, hayaan mo na ako dito. Kayang kaya ni Nanay to. Isa pa, darating na din si Dindi."

Oo nga pala, simula noong Lunes ay kinuha na niyang helper si Ate Dindi. Pamangkin ni Aling Josie, na kumare ni Nanay. Galing daw ito sa malayong probinsya, at nag hahanap ng trabaho. Kaya't habang wala pa siyang regular na trabaho dito sa Bulacan, ay kinuha na muna siya ni nanay para makatulong.

"Sige na kasi nanay. Kahit mag hiwa nalang ako." Lambing ko naman sa kanya.

"Osiya, pero maupo ka muna diyan at mag agahan ka." Sabi niya sa akin.

Nagkape at pandesal ako na may palamang condensed milk.

Ang sarap talaga nun.

Nang matapos ako ay tumulong na ako kay nanay sa pag hihiwa ng mga gulay na gagamitin niya.

Pero nakakaiyak talaga mag hiwa ng sibuyas.

Sa aking pag kakaalam, kaya nakakaiyak ang pag hihiwa ng sibuyas ay dahil naglalabas ito ng chemical na tinatawag na lachrymatory factor o LF, kaya't nakakairita ito sa ating mata. Sa simpleng pagbabalat nito ay hindi ka naman maiiyak, ngunit kapag ito ay hiniwa o dinurog na, ay nagiging sanhi ng pagtutubig ng ating mga mata. The onion's cells break open, allowing two normally separated substances to combine.

Nagiging gas ito, at tumatama sa ating mga mata, napupunta ito sa sensory nerve at nagiging dahilan ng pag luha. Ang sabi pa nila, maihahalintulad din daw ito sa tear gas.

Ayun lang, naalala ko lang bigla ang dahilan kung bakit nakakaluha ang pag hihiwa ng sibuyas.

Ngunit, may bigla akong naalala.

The day I cried in front of him. Niyakap ko pa siya, and he hugged me back and comforted me. That day, I felt safe being with him.

Ano nga kaya ang ibig sabihin ng mga ginawa niya, at ng kakaibang nararamdaman ko ngayon?

Naalala ko rin bigla ang mga sumunod na nangyari.

Well, pinatawag kami sa guidance.

That is my first time in my life na nakapasok ako sa guidance counselor's office dahil sangkot ako sa gulo.

Usually ay napupunta lang ako dun upang magpapirma ng clearance kapag tapos na ang school year.

But yeah, that day, we are there para kausapin ng guidance counselor.

Nakakatakot, nangangatog pa ang tuhod ko habang nakaupo sa harapan ng table. Samantalang iyong apat na lalaking yun, prente lamang na nakaupo at hindi manlang kinakabahan.

Kinausap lamang kami tungkol sa nangyari. Sa huli ay wala namang na suspend sa amin. Hindi na rin pinatawag ang magulang namin. Yun din kasi ang kinatakot ko eh.

Pinagsabihan lamang kami at pinabayaran kay Stephen and damages na nasira sa cafeteria.

Nako talaga ang lalaking yun.

Crazy Rich TransgenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon