Chapter 47

27 0 0
                                    

Third Person' POV

Habang tumatakbo papalayo ang grupo ni Mr. Lee ay may nakasunod sa kanila. Nagpapalitan ang parehong grupo ng putok ng baril. Ang akala ng grupo ni Mr. Lee ay ito ay mga pulis ngunit ito lamang ang mga tauhan nina Dan at Robin. Kasabay ng pangyayari ang pagpasok nila Dan, Robin at Pia sa abandonadong bahay. Nakarinig sila Dan na nagsalita sa kanilang earpiece.

"Wala na po sila, sir." Sambit nito sa kabilang linya.

"Good job. Umalis na kayo diyan." Sagot ni Dan sa kabilang linya.

Pagpasok sa isang kwarto ay nakatayo at nakaharap si Ian kila Romualdo.

"This is our plan." Paninimulang sambit ni Ian, na kanilang narinig.

"Hello guys!" masayang bungad ni Pia. Napalingon silang lahat sa gawi nila Robin, Dan at Pia.

"Pia?" sambit ni Chris. Ngumiti lamang si Pia at lumapit sa kanyang lolo tsaka niyakap ito.

"Now," paninimula ni Cil, "I need your cooperation. Ang dumakip sa akin si Ruis, isa siya sa mga kasama ngayon ni Mr. Lee. We already got mom. How?" humalukipkip si Cil, "Through Pia's friends in Batanes."

"And, nasa bahay na namin siya, Kuya Chris." Sabat ni Pia. "Your dad is already taking care of her."

Nakita nila kung paano nagbago ang mukha ni Chris at bumaling ito ng tingin kay Cil. "Paano?"

"I will tell you after we finish this plan." Sagot ni Cil, "For now, let's finish this game." Seryoso nitong sambit. Tumango ang lahat. "Let's go." Sumunod ang lahat kay Cil papunta sa parking lot, kung saan nakapark ang sasakyan nila Dan. Tulad sa kanilang plano.

Dumiretso ang sasakyan nila papunta sa paliparan kung nasaan ang sasakyang private jet plane ni Mr. Lee.

"Nandun na ba sila?" sambit ni Cil.

"Yes," sagot ni Pia. "They are all waiting."

Nagtatakang tiningnan nila Chris, Romualdo at Leornardo ang nakababatang kapatid na si Cil. Hinarap ni Cil ang mga ito. "I need all of your cooperation. Marami sila, iyon ang masasabi ko. Kaya for us to complete this mission. We will have a small vacation."

"We'll go to Batanes!" sabay-sabay na sambit nila. Naiwang tulala at naka-awang ang mga bibig bila Romualdo, Leonardo at Chris. Pagkatapos niyon ay nangunang maglakad si CIl.

"Let's go!" masayang yaya niya.

Mabilis na nagdrive si Diana papunta sa planong paliparan, nakahanda na ang lahat sa kanilang plano.

Evening. Arrived at Batanes. Mr. Lee's House.

Pagdating ay agad na kumilos ang lahat. Si Cil lang ang pumasok sa bahay. Madilim ang paligid. Wala na ang matandang nagbabantay dito dahil sinabay na rin siya noong kinuha ang ina nila Ian.

Ang buong bahay ay may nakakabit na CCTV cameras, nakatago. Lumipas ang ilang minute ay nakarating si Mr. Lee. Siya lang mag-isa katulad ng nakasanayan niya.

Kahit nagtataka si Mr. Lee, pumasok siya ng may tapang. Binuksan niya ang ilaw ng bahay ngunit hindi ito gumagana. Paulit-ulit niya itong ginawa, hanggang sa nakarinig siya ng isang pamilyar na boses.

"Done checking?" bumukas ang isang ilaw ngunit mahina ito para lumiwanag ang isang bahagi ng kwarto. Gulat na napatingin si Mr. Lee sa gawi na ito.

"Cil." Gulat na sambit ni Mr. Lee.

"Nice reaction." Sarkastikong sagot ni Cil, kinuha niya ang baril na nakapatong sa lamesa at hinimas-himas ito.

"Why are you here?" seryosong tanong ni Mr. Lee.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon