Chapter 26

35 1 3
                                    

Cil's POV

"Diana?" biglang sambit ni Ian pagkatapos tanggalin ng tao ang kanyang mask.

Diana? Kilala niya?

"Ian."sambit niya, "Ma'am Cil." sambit niya, natigilan ako.

Ma'am Cil? Kilala niya ako!

"What are you doing here?" seryosong sambit ko pero di ko pa rin siya pinapakawalan.

"Inutusan po ako ng father niyo na bantayan kayo." malungkot niyang tugon.

So all this time, pinababantayan ako ni dad? Kaya pala hindi siya madalang tumawag sa akin. Pero... marami akong na-confront na itim ang pananamit. Sino yung gustong bumaril sa akin?

Dahan-dahan kong niluwagan ang pagkakasakal sa kanya at lumayo. Tulala akong napatitig sa kanya.

"Ma'am, pasensya na po, kung natakot ko po kayo." nakayukong sambit niya.

"Kailan nagsimula?" seryoso kong sambit.

"Simula po nung lumipat po kayo, ma'am."

Nanginig bigla ang mga kamay ko ngunit naramdaman ko naman ang paghawak ni Ian sa kamay ko. Napalingon ako sa kanya at napansin ang pagtitig sa mukha ko, na para siyang nangungusap.

Hinagod niya ang ulo ko at pumaibaba ito hanggang sa tumigil sa pisngi ko. Na kasabay nito ang pag-ngiti niya. Di ako nakakilos at nanatili akong nakatingin sa kanya.

Why do I feel I'm at ease and forget my goal when I'm with... you?

"Pasensya na po talaga, Ma'am Cil." singit ni Diana. Natauhan ako at humarap sa kanya. Huminga ako ng malalim at tsaka nagsalita, "Continue what my dad instructed and no need wearing that kind of clothes. You can go." mabilis kong sambit tsaka umalis.

So all this time... alam niya ang mga galaw ko...

Pagdating sa unit ay sinalubong ako ni Pia na nag-aayos na ng gamit, mabilis kong ibinulsa ang cutter.

"Bro!" sigaw niya, "Ang tagal mo namang makipag-usap."

"Tch. Bakit selos ka?" nakangiting sambit ko at naglakad palapit sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Seryoso?" mataray na sagot niya.

"Tch." ngumisi ako, "Taray masyado." bulong ko, pagkatapos ay inumpisahan kong buhatin ang mga libro pero sakto kong naramdaman ang pagpalo niya sa braso ko. Buti na lang at hindi ko nabitawan ang mga libro kundi, wala na akong mga paa kapag nagkataon. Inis ko siyang tiningnan.

"Ano yun?!" inis na sabi ko.

"Narinig ko yun!"

"Tch. Akala ko naman kung ano." pagkatapos ay ipinasok ang mga libro sa isang box.

"Hoy, wala ka man lang bang ikwe-kwento?" nilingon ko siya, nakatitig siya sa akin habang nakataas ang isang kilay.

Bigla namang lumabas si kuya galing kwarto ko.

"Sister!" sigaw niya, "Mag-impake ka na!" utos niya. Tumayo ako at dali-daling pumunta ng kwarto.

Matapos ang isang oras ay dinala namin ang mga maleta namin sa sala. Pinatay rin namin ang breaker ng unit.

"Okay, so, let's go?" yaya ni kuya sa amin. Ngumiti naman kami at binitbit ang mga maleta namin, samantalang si kuya ang nagbitbit ng box na may laman ng mga libro namin. Pagkatapos niyon ay bumaba papuntang parking lot. Buong biyahe ay sila Pia at kuya ang nag-uusap habang ako, syempre, taga-pakinig.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon