Chapter 58

15 1 0
                                    


Ian's POV

Cemetery.

Hanggang sa paglibing kay Josh ay hindi pa rin kaming lahat nakakapag-usap ng masinsinan. Hindi pa kaya ng lahat makalimutan ang malagim na pangyayari. Hindi ko pa siya nakakausap. Hindi pa ako makapag-paliwanag sa kanya. Matapos ang paglibing kay Josh ay hindi pa rin umaalis sa pwesto niya si Diana.

"He doesn't have his family... until his death, he still saves me." Nangingiyak na sambit niya, "And still I haven't told him yet. Why... Deserve ko bang maranasan ito, tita?"

"No," malumanay na sambit ni Ate Roze habang hinahagod ang likod nito. "Everything has its purpose. May plano si God and I can guarantee it."

"Paano? At ano naman iyon?"

"I don't know but someday, we'll know." Nakangiting sambit ni Ate Roze.

Oo, hindi natin alam ang lahat pero may panahong malalaman rin natin. Because everything is the truth, we just deny things because its hurtful and pinches our hearts until it bleeds.

Habang hinihintay na pumunta sa parking lot sila Ate Roze at Diana at tahimik ko lamang pinagmasdana ng buong paligid na napapaligiran ng nagbebenta ng bulaklak at kandila.

"Hoy," sinundot ako sa tagiliran ni Pia, kaya naman gulat na napalingon ako, "nagusap na ba kayo?" bulong niya.

Malungkot na umiling naman ako.

"Ay ganern, ang lakas makapang-iwan pero tiklop kapag kakausapin na. Hina mo talaga." Inis niyang sambit habang iritableng kinamot ang ulo.

"Alam ko, hindi mo na kailangang ulitin." Sagot ko.

"Aba! Bilisan mo na lang, kung ayaw mong maagawan."

"What do you mean?" kunot-noo kong tanong.

Nakangiting nang-aasar ang ipinakita niya at tsaka lumayo sa gawi ko, pagkatapos niyon ay biglang dumating sa Dan at umakbay sa akin.

"Alam ko kung sino pinag-uusapan niyo. Bilisan mo, dude. Someone is coming to her way." Nang-aasar na sambit nito habang tinatapik ang balikat ko. Sinuntok ko naman siya tiyan dahilan para mapayuko siya pero sigaw ni Pia ang kumalabog sa tahimik na lugar. Agad siyang lumapit samin at pinagpapalo ako.

"Hoy, 'wag mo siyang sasaktan." Tapos baling niya kay Dan habang alalang-alala siyang tinitingnan. "Okay ka lang ba?"

Di makapaniwalang tiningnan ko silang parehas. "Ang pagkakaalala ko sa inyong dalwa ay hindi kayo magkakasundo dahil kung mag-away kayo ay para kayong aso't pusa."

"Pwes, umalis ka eh kaya hindi mo na alam ang nangyayari. Manigas ka diyan. Alam mo ang dapat mong intindihin yung kaibigan ko na muntik ng mabaliw buti na lang at ma kaibigan siyang maganda kaya di nawala sa katinuan."

"Wow, nakuha pang i-compliment ang sarili."

"Syempre, I need it eh." Maarte niyang sagot.

Natawa na lang kaming parehas ni Dan. "Ano bang nagustuhan mo sa babaeng yna?"

Ngumiti lang si Dan at hinagod ang ulo ni Pia.

"Ay, walang masabi, ibig sabihin wala."

"Ano?!" inis na lumingon si Pia kay Dan.

"There's nothing to say because there's too many. Being speechless is already a compliment." Malambing nitong sambit. Ngumiti naman si Pia at niyakap si Dan ganun din si Dan. Nakangiti lamang ako. Maya-maya ay may bumasag ng kanilang eksena.

"Tapos na ba kayo diyan?" bagot na sambit ni Cil, natigilan kaming lahat at lumingon sa kanya. Nasa likod niya sila Kuya Chris at Ate Pin. "Alam niyo naman na nakaharang kayo sa pintuan ng sasakyan." Sarkastiko niyang sambit agad namang tumabi kami. Sumakay siya sa tabi ng driver's seat.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon