Prologue

333 4 0
                                    


Pumasok si Ian sa loob ng madilim abandonadong building at binuksan ang ilaw ng kanyang telepono. Nang nakarinig siya ng isang babaeng sumisigaw na pamilyar ang tinig ay agad itong kumilos at hinanap kung saan ito nanggagaling. Habang naglalakad siya ng palapit ng palapit kung saan ito nanggagaling, masangsang na amoy ang nalalanghap at lumalakas ang sigaw ngunit patong-patong na iba't ibang boses.

May nakita siyang liwanag sa dulo ng hallway ng kanyang nilalakaran, sinundan niya ito. Hanggang sa may narinig siyang mga nagsasalitang lalaki,

"Hoy, Miss! HIndi ka pa ba napapagod?"

"Marami pa kami rito, oh!"

"Hahahahaha"

At nang makarating siya sa pinaroroonan nito ay may narinig siyang pamilyar na tinig na ikinagulat nito.

"Stop talking. Just fight, a**hole." malalim ang boses na naghahabol ng hininga pero ramdam ang yabang mula dito.

Agad pumasok si Ian sa kwarto at natigilan.

"Cil?" mahinang sambit niya.


I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon