Chapter 33

40 2 2
                                    

Chapter 33

CIl's POV

Habang nasa sasakyan ay masayang nagkwe-kwentuhan sila Ian at Pia sa likod. Panay naman ako pagsilip sa kanila at kasabay nito ang pag-alala sa nakita ko.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Kuya, bumaling ako ng tingin sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Wala." mabilis kong sambit at tumingin sa kalsada.

Siguro, okay na ang ganito para sa ikakasaya ni Pia. Bakit naman ako magseselos, huh? Ano ba ako? Kaklase nga lang ako, diba? Cil! Focus on your goal. His father!

Bumuntong-hininga ako.

"Bro," dinig kong tawag sa akin ni Pia, lumingon naman ako bigla, "May problema ba? Kanina ka pa kasi diyan mukhang malalim ang iniisip. Kung tungkol kanina, pabayaan mo na yun." nakangiting sambit ni Pia at bumaling ng tingin kay Ian, "Right?"

Nakangiting tumango naman si Ian.

Ngumiti ako ng pilit at tiningnan ulit ang kalsada, tsaka bumuntong-hininga.

Ano ba itong nararamdaman ko? Bwisit!

"I think the answer to that--" napabaling ako ng tingin kay Kuya, nakangiting nagdri-drive lang siya. "Ask your heart."

"Tch. Akala ko naman kung ano."

"Ano nga ba yun?"

"I'm sleepy." at pinilit ang sarili matulog.

Syempre, di ako makatulog kasi iniisip ko pa rin kung bakit ganun na lang sila nagtatawanan at nagbubulungan sa likod, matapos ng nangyari. Bakit gusto kong sumama sa usapan nila? Peste!

Ano ba talaga ang nangyari?! Gusto ba nila ang isa't-isa?

"Cil."

"Wae?!" sigaw ko, natigilan ako bigla nang lumingon ako kung sino ang tumawag. Si Ian!

"M-magpapaalam lang a-ako." nauutal niyang sambit,

Napapikit naman ako ng saglit. "I'm... I'm just--" di ako makasagot!

"Okay lang." nakangiti niyang sagot, bumaling siya ng tingin kay Kuya. "Una na po ako."

"Sige. Ingat ka." sagot ni Kuya.

Pinanood ko lang siya umalis ng sasakyan.

Napasapo na lang ako ng ulo nang magsimula si Kuya mag-drive.

"Ano bang problema, bro?" biglang tanong ni Pia.

"I don't know." nanlulumo kong sagot at tumungo. Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay niya sa balikat ko.

"It's alright." sambit ni Pia habang mahinang tinatapik-tapik ang balikat ko.

Bumuntong-hininga ako.

All throughout sa biyahe ay lutang ako at di maka-usap ng maayos. Wala rin akong ganang kumain, kaya nauna akong umalis ng hapag-kainan.

"Una na po ako." paalam ko sa kanila at umalis.

Hinablot naman ni Kuya ang kamay ko. "Is everything alright?"

Pilit na ngumiti ako at tumango. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko, tsaka nangunang pumanik papuntang kwarto ko.

Pumasok ako sa walk-in closet ko nang hindi binubuksan ang ilaw. Humiga ako sa gitna ng sahig at pinagmasdan ang kisame. Kulay navy blue ang kisame at may kaunting disenyo na nagmumukhang bituin, na kaunting nagliliwanag sa buong kwarto.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon