Chapter 49

18 0 0
                                    


Chapter 49: Trust.

Chris' POV

Nandito kaming lahat ngayon sa labas ng ICU at tinitingnan lahat ang pangyayari ng pag-aagaw buhay ni Cil. Kinuha ko ang telepono ko at tinext si Roze.

To: Roze

Do whatever it takes. Within this day, you should know who kidnapped my sister. Make that person suffer under the law.

Sent.

"Chris..." dinig kong boses ni Pin. Napapikit ako at hinwakan ang kamay niya, "I saw this..." napamulat ako ng mata at napalingon. May hawak siyang USB at may nakasulat.

Kuya Chris. For editing.

"What's this?" taka kong tanong.

"That was in her bag. I saw that when I abruptly get my bag beside hers in your car's compartment."

Kinuha ko ang USB at inakbayan siya. "Thank you." Bulong ko. Pagkatapos niyon ay lumabas ang mga doctor at magandang balita ang kanilang inihayag ngunit hindi pa rin ito sapat dahil hindi pa rin gumigising si Cil.

Lumipas ang mga oras at napagdesisyunan tingnan ang nasa loob ng USB. Kinuha ko ang laptop na nasa bag ni Ian. Isang video ang laman.

Inaayos ni Cil ang camera hanggang sa nagdesisyon siyang umupo.

Hindi ako mahilig gumawa ng ganito at alam mo iyon. Tss. 1 month in the making ito so better appreciate it. Well, you always appreciate everything. After my graduation, its your birthday and obviously, that's the day you will see this. Tss.

Bumuntong hininga siya at nakita ko kung paano tumulo ang luha niya. Pinunasan niya ito kaagad.

I don't always show myself crying because of fear that people might take advantage of it. I became quiet after my bullying era of my life. I know in that era you became my friend and protector. Supported me in many ways. That's why knowing the truth really hurts but at the same time grateful because I met you.

For your birthday, I prepared two important things. First is an event. Special event. At the back of your favorite painting in your room, I placed two tickets. Bring Ate Pin there. She loves traveling. Propose to her or else, yung kapatid ko ang kukuha sa kanya. Tss.

Natawa naman ako sa sinabi niya.

Second, syempre ako. Tss. Wala na akong pera para sa second event. Kailangan ko rin kaya bigyan ng graduation gift si Ian. Teka, ang daldal ko na mukhang nahawa na ako sa sakit ni Pia. Well, second is my message. I wish you to have a good health and better love life. Alam mo kumilos ka na. Bakit ba ang bagal mo? Malapit na mag-anim na buwan. Wala pa ring nangyayari? Tss. Tsaka, bawasan mo ang pag-e-english mo. Nauubusan na ako ng vocabulary. Nasa Pilipinas tayo, ikaw mag-adjust.

Nakangisi siya habang sinasambit ang mga iyon.

Happy Birthday! And I love you, Kuya. You will be still my Kuya that I idolized and look up ahead. Tsaka, Kuya—

Hindi siya agad nakapagsalita ng bigla siyang tawagin ni Pia.

"Hoy! Bro!" dinig na sigaw nito. "Kakain na daw!"

"Talaga namang maganda ang timing ng babaeng ito." Bagot na sambit ni Cil. Pagkatapos niyon ay pinatay na niya ang video.

Doon bumuhos ang luha ko ng hindi inaasahan na alam kong dalawang araw ko ng kinikimkim. Naramdaman ko ang paghimas ng kamay sa aking likuran. Nilingon ko iyon at si Pin iyon. Niyakap ko siya ng mahigpit at ibinaon ang ulo sa kanyang balikat.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon