Chapter 34

31 2 1
                                    

Chapter 34

Ian's POV

Lunes ngayon at may Chemistry laboratory activty kami. Last subject for the day. Habang hinihintay namin ang teacher namin sa labas ng laboratory room. Napansin kong parang nagtataka at nag-aalala si Cil. Panay ang paglingon niya sa bintana ng laboratory. Nakahanda na ang mga materyales na gagamitin namin.

Napansin ko na nag-uusap sila Pia ngunit hindi ko ito marinig ng maayos.

Maya-maya, dumating ang substitute teacher at nagpakilalang substitute teacher. Matapos niyon ay pumunta na kami sa aming mga designated places pero kita parin kila Pia at Cil ang pag-aalala.

Maya-maya, biglang may kumatok.

"Excuse me, sir. May I excuse Cillanne Kim." sambit ng lalaking estudyante.

"Cillianne Kim?" tawag ng substute teacher namin.

Tinaas ni Cil ang kamay niya at lumabas.

Nag-explain ang teacher namin tungkol sa gagawin ngunit di pa rin pumasok si Cil sa room. Hanggang sa ginawa na namin ang proceedure. Kailangan namin sindihan ang bunsen burner para magpainit ng tubig sa beaker. Natapos naming tapusin ayusin ang station namin nang biglang pumasok si Cil sa klase.

Natigilan siya ng tumama ang paningin niya sa mga apparatus namin. Maya-maya, bigla siyang lumuhod at hinimas ang kanyang dibdib. Narinig kong biglang sumigaw si Pia at tumakbo papunta sa gawi ni Cil, ganun din ang substitute teacher namin. Pagkatapos ay sumunod ako.

Pagdating ko ay hinahabol na niya ang kanyang hininga, dumapo ang tingin niya sa akin at napansin kong namumutla siya. Nakita kong namumula ang kanyang mga mata at may mga luhang gustong lumabas. Lumuhod ako sa tabi niya at inalalayang humiga sa dibdib ko. Hinawakan ko ang kamay niya, sobrang lamig at nanginginig ito. Napansin ko ring pinagpapawisan siya.

"Anong masakit sayo?" nag-aalala kong tanong. Pagkatapos, niyon ay nawalan siya ng malay.

"Dalhin na natin siya sa clinic!" sigaw ni Pia, na nagpapanic.

Binuhat ko si Cil, bridal style, pero bigla akong natigilan.

Bakit parang ang gumaan siya? Kumakain pa ba 'to?

Kasama ko si Pia at ang substitute teacher namin pumunta ng clinic.

Pagdating sa clinic ay mabilis na inasikaso si Cil. Samantalang si Pia at ang substitute teacher namin, ang kumakausap sa doktor. Naiwan lang akong nakatayo sa gilid ni Cil at pinagmamasdan siyang asikasuhin ng mga nurse.

Sobrang putla niya.

Ano bang nangyayari sayo?




Cil's POV

Nagising ako at sobrang liwanag ng ilaw na nagpasakit sa mata. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.

"Bro." mahinang sambit ni Pia. Napalingon ako sa kanya. Nakita ko rin si Ate Pin, Ian, Robin at Tristan na nakatingin sa akin.

Bakit sila nandito?

Tumigil ang paningin ko kay Kuya.

Kuya...

Ngumiti ako. Nandito silang lahat.

Bigla akong pabirong pinalo ni Pia. "Ano naman ang ningingiti mo? Ikaw itong bigla biglang nahimatay. Masaya ka pa!" inis na sigaw ni Pia.

Dahan-dahan akong umupo at tinulungan naman ako ni Pia. "Buhay pa ako, bro. Masaya ako kasi," tiningnan ko uli si Kuya, naramdaman kong may tumulong luha sa aking pisngi.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon