Chapter 56

6 0 0
                                    

Cil's POV

Lumipas ang mga araw na pagiging magulo ang isip at di makapag-focus sa school. Madalas ko na rin napapansin ang pagiging tahimik ni Mom at madalas na pagsusot ng long sleeves kahit mainit sa Pilipinas. Madalas na rin ang pagtatanong ni dad sa akin kung may nalaman baa ko pero hindi ko alam kung ano tinutukoy niya dahil parating hindi tapos ang tanong. Masyado akong mahahalata kung magmamasid ako sa buong bahay tsaka sinabihan din naman ako ni Roze na mag-ingat at huwag ng gumawa pa ng kahit anong ikapapahamak ko. Sumang-ayon naman ako at naki-usap na protektahan si Ian kahit anong mangyari. 

Sinabihan din ako ni Roze na bukas na ang uwi nila Ian. Excitement ang nararamdaman ko, totoo iyon. Habang hinihintay matapos ang klase ni Pia ay nagdesisyon akong pumunta ng library at nagdesisyon basahin ang librong binigay sa akin ni Pia na gawa ni Colleen Hoover, ang pamagat ay It ends with us.

Lumipas ang mga oras at nakatanggap ako ng text kay Pia na papunta na siya ng parking lot. Kaya naman nagmamadaling umalis ako ng library, napansin kong madilim na at umuulan ng malakas. Konti na lamang ang mga tao sa buong campus. Agad kong nilabas ang paying ko mula sa bag at nagsimula akong maglakad. Dumaan ako sa likod ng library building dahil iyon ang mas mabilis para makapunta ng parking lot.

Pero ng makarating ako sa kalagitnaan habang naglalakad ay nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid, agad kong binagalan ng paglalakad. Lilingon na sana ako ng biglang nakaramdam ako ng paghampas sa batok ko na nagbigay sa akin ng paghihina ng katawan at diretsong nakatulog.

Nagising ako sa isang warehouse at tanging isang ilaw lang ang nakatutok sa akin. Nakahiga ako sa malamig at maduming sahig habang nakakadena ang parehong kamay at isang paa. Inilibot ko ang aking paningin at masyadong madilim ang paligid. Madidinig ang malakas na buhos ng ulan na tumatama sa yero. Hindi ko alam kung anong oras na pero nasisigurado kong gabing-gabi na.

Maya-maya ay nakarinig ako ng sigawan mula sa labas. Nahiga muli ako at pumikit, nagkunwaring tulog tsaka pinakalma ang sarili.

Sumunod dito ang pagbasag ng katahimikan ng tunog ng pagbukas ng pintuan na gawa sa bakal.

Habang nakikiramdam ay dinig ang bawat hakbang na tumatama sa sahig.

"Alam kong gising ka na." sambit nito. Narnig ko ang pagkalempang ng isang metal na bagay. Uniti-unti kong minulat ang aking mga mata. Dalawang lalaking nakamaskara na ang kalahati kulay puti at ang kalahati ay kulay itim ang bumungad sa aking mukha. Bumaling ako ng tinginsa tinapon niya sa harap ko. Pagkain ko. "Mas mabuting sumunod ka na lang kung ayaw mong mamatay." Sambit niya habang tinatanggal sa pagkakatali ang pareho kong kamay.

Tahimik kong tinitigan ang pagkain at hindi kumibo dahil ang daming tanong na umiikot sa isip ko.

Bakit ako nandito? Nasaan ako? Sino sila?

Ilan lang yan sa mga tanong na gusto ko ng malaman ang sagot pero kailangan kong labanan ang takot na ngingibabaw sa akin ngayon.

"Hoy!" sigaw ng lalaki dahilan para magulat ako. "Bilisan mo kumain diyan!" utos niya pagkatapos ay sinipa papalapit sa aking metal na plato sa harap ko. Bahagyang natapon ang sabaw sa mangkok. Napapikit na lamang ako ng mariin at nganginginig na kinuha ang kutsara at tinidor tsaka sumubo.

Natatakot ako. Natatakot ako hindi para sa sarili ko pero sa mga taong malalapit sa akin na pwedeng mapahamak kapag nagdesisyon silang iligtas ako.

"Hoy!" sigaw nitong muli. "Bilisan mo!" Nanginginig akong kumain ng mabilis na kasabay nito ang pagtulo ng luha ako. Wala akong magawa kundi sumunod na lamang dahil hindi ko alam kung paano ako kikilos at makakatakas. Wala akong alam. Wala akong maisip na plano.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon