Chapter 5

50 3 0
                                    

Ian's POV

Pagdating ko sa school, as usual maingay. Nang nakarating ako sa classroom, napansing kong wala pa sila Pia at Cil. Hanggang sa dumating si Ma'am Vivian, wala pa rin sila.

"Nasan kaya yung mga yun?" bulong ko sa sarili ko.

"Ha?" sabi ng katabi ko, "May sinasabi ka?"

"Wala. hehehe." sagot ko

Hanggang sa nagsimula at natapos, hindi sila pumasok.

Umuwi ako sa apartment pero di ko napansing naglakad ako papunta sa harap ng pintuan ng unit nila.

Magdodoorbell ba ako?

Biglang nagbukas ang pintuan at may matandang babaeng doktor ang lumabas mula sa kanilang unit.

"O, hijo. Bibisita ka ba?" tanong niya sa akin at bumaling ng tingin sa loob.

"Pia, may bisita kayo." sabi nito.

Sumilip si Pia at gulat ang makikita mo sa kanyang mukha.

"H-hi?" nahihiyang sambit ko at ngumiti.

"Hija, uwi na ako, ha. Sundin mo yung bilin ko." sabi nung doktor.

"Ah, sige po. Ingat po kayo." sabi ni Pia. At nangunang umalis na ang doktor.

"Anong ginagawa mo dito sa labas ng pinto?" tanong ni Pia sa akin at bigla niyang hinatak ang kamay ko papasok sa unit.

"Uhm--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng nakita ko si Cil umiinom ng tubig at medyo maputla siya. Nakasuot siya ng long black sweater and shorts.

*Anong nangyari sa kanya?*

Kita kay CIl ang kanyang pagkagulat.

"Binibisita mo ba kami?" tanong ni Pia habang inaalis ang kanyang kamay sa braso ko.

"Uhmm, I guess so? 'Di kasi kayo--" di ko na naman natuloy sasabihin ko ng nagsimula na naman magsalita si Pia

"May lagnat kasi si Cil kaya di kami nakapasok."

"Ah, ga--"

"Don't worry. Stable naman na siya at pwede ng makapasok bukas." sabi niya habang nakangiting di mo alam kung ano ang ipinaparating

"Ah, Kuma--"

"Hindi pa nga eh. Nag-order kami ng food. Gusto mo kumain ka na rin dito?"

"O Si--"

"Pia, punta lang akong kwarto. Tawa--" sabat ni Cil pero hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin ng sumigaw bigla si Pia.

"Nope!" napatingin kami bigla sa kanya. "Dito ka. Di kita mababantayan at may bisita tayo." utos niya at pagkatapos ay pumunta siya sa kusina.

"Okay." padabog na pumunta si Cil sa couch at humarap sa bintana.

"Upo ka doon." nakangiting sabi ni Pia sa akin habang tinuturo ang single seat couch. Sumunod naman ako.

Maganda ang unit nila maaliwas at malinis. Puti ang pintura ng lahat ng dingding at kisame. Sa living room nila, may black glass center table with white candles at beige colored couches. At may balcony rin sila na may konting maliliit na halaman.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng apartment. Mukha kang namamangha eh." sabi ni Cil pero nakaharap pa rin sa bintana.

"A-Ah hehehe." napatingin ako bigla sa kanya. I unconsciously stare at her. I noticed that she has a pointed nose, almond shaped eyes, fair skin color and..

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon