Chapter 54

24 0 0
                                    

Cil's POV

Pinagmamasdan ko lahat ng nangyayari ngayon pero para sa akin mabagal ang pagkilos nila. Hindi ko rin makausap ng maayos si Pia dahil sa gulat na makikita sa kanyang mukha. Naguguluhan ako iyon lamang ang masasabi ko at napagtanto ko.

"Sister!" sigaw ni Kuya Chris na nagpagising sa akin. Agad na napabaling ako ng tingin sa kanya ngunit kasabay nito ang pag-aalala sa nnagyari.

Nang mabangga ko siya ay nakita ko ang paghawi ng ilan niyang buhok at nagbigay daan para makita ko ang tattoo sa kanyang leeg. Hindi siya simbolo kundi buong salita ang nakalagay dito.

WANG.

Agad na napalingon ako sa gawi kung saan sumabog ang telepono.

"What is happening?" mahinang sambit ko.

"Ha?" takang sambit ni Kuya Chris.

"Nothing." Walang emosyon kong sagot. "Pwede na ba tayo umuwi?" pag-iiba ko ng usapan.

Lalo silang nagtaka sa aking kinilos. Matapos niyon ay lumapit sila mom at dad.

"I already talked to them." Singit ni dad para kumpirmahing kinausap na niya ang mga pulis para sa amin.

"Euna, are you alright?" nag-aalalang tanong ni mom. Ngumiti naman ako ng pilit at pinagmasdan silang parehas.

Bakit pakiramdam ko may mga bagay na wala pa akong alam at tanging kayong dalawa... o isa sa inyo lang ang nakakaalam.

Pagdating sa bahay ay agad akong nagpaalam para pumunta ng kwarto. Agad akong dumiretso sa banyo para mag-ayos ng saili. Pagkatapos ay dali-dali kong binuksan ang ilaw ng aking lamesa at binuklat ang brown notebook ko.

WANG.

Paulit-ulit kong binilugan ang salitang iyon gamit ang pulang ballpen.

Hindi siya simbolo katulad ng nakita ko noong nakipag-away ako kay Kuya Romualdo.

Matapos kong mapagtanto iyon ay lumingon ako sa aking pintuan.

Kanino ba ako magtitiwala.


Kinabukasan.

Nagising ako dahil sa obvious na dahilan, ang boses ni Pia. Nagtitimping binuksan ko ang pintuan at pilit na ngumiti sa harap niya.

"Bakit?" sagot ko.

"Kakain na!"

"Oo, alam ko 'wag ka sumigaw." Taimtim kong sambit.

"Pake mo ba kung sumisigaw ako!"

Bigla akong nakaramdam ng pagbabago mula sa kanya. Kunot-noo ko siyang tinitigan.

"May problema ba?" tanong ko.

"Ayon! Buti naman nakaramdam ka."

Natawa naman ako bigla at tsaka siya inakbayan, pilit naman niyang tinatanggal pero alam kong umaarte lang siyang di niya kayang tanggalin, "Matapos mo akong iwan." Nagtatampo niyang dagdag.

Pinitik ko naman ang noo niya, "Pasensya na. May iniisip lang."

"Psh. Alam ko. Naiinis lang ako sa sarili ko kasi naging duwag na naman ako." Malungkot niyang sambit. Niyakap ko naman siya.

"It's normal to be. I am here." Malambing kong sambit pagkatapos ay hinagod ko ang ulo niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya.

"Akala ko ba tapos na itong larong ito. Bakit parang hindi pa?" mahinang sambit niya.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon