Chapter 22

36 1 1
                                    

Cil's POV

"Bro, gising na." mahinang sabi ni Pia habang niyuyugyog ako.

"Eung~" ungol ko pero nakapikit pa rin.

"Kain na tayo. Si Ate Pin nagluto."

Dahan-dahan akong umupo at nag-unat. Kinuha ko ang twalya ko at sinimulang maglakad papunta sa kusina.

"Sister, good morning!" nakangiting sabi ni kuya habang nasa sala. Nakasuot siya ng black polo shirt tucked in khaki pants.

"Good morning, kuya. " walang gana kong tugon.

"Let's eat." nakangiting yaya ni kuya sa amin ni Pia.

"Where's Ate Pin?" I curiously asked.

"Nauna na siya. Dadaan daw siya sa bahay kukuha daw ng mga damit niya." sabi ni Pia.

"Ah..." mahinang sambit ko. Pagkatapos ay inubos ni Pia ang kanyang pagkain at nagsimulang pumasok ng banyo para maligo.

"Cil," pagtawag ng aking atensyon ni kuya. "From now on, ako maghahatid at magsusundo sa inyo ni Pia." seryoso niyang sabi.

Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

Maya-maya tumunog bigla ang telepono ni kuya.

"Hello?" sabi ni kuya sa kabilang linya at pumunta sa may balcony.

Tinuloy kong kumain. Maya-maya kita ko kay kuya na malungkot na naiinis at parang galit. Nagtaka naman ako at pumunta sa kaniya.

"We need to find him as soon as possible, Dad. I'll tell my secretary to send all of the paper works." sabi niya sa kabilang linya gamit ang aming sariling lengguwahe.

"Kuya?"

"Cil?!"gulat niyang sambit.

"Sinong kailangan mahanap?" nagtataka kong tanong.

"Wait, Cil." sabi niya sa akin. "I'll call you later, dad." sabi niya sa kabilang linya.

"Kuya, sino yung kailangan mahanap?" seryoso kong tanong.

Tahimik pa rin niya akong tiningnan na parang inaaral ang mukha ko kung ano ba ang dapat niyang sabihin.

"Kuya." seryoso kong sambit, tiningnan ko siyang nakakunot ang aking noo at salubong ang mga kilay. Tulalang nakatingin sa akin si kuya at parang binabasa niya ang maaring maging kilos ko. "Kuya." ulit kong sabi pero malalim na boses ang ginamit ko.

"Yung lalaking pumunta dito sa unit niyo" kumunot lalo ang aking noo, narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. "nakatakas daw."

"What?!" narinig kong sigaw mula sa aking likuran dahilan para mapalingon ako bigla. Si Pia na bakas sa mukha ang gulat at takot. Natigilan ako.

I'm sorry...

"Maupo muna tayo." mahinahong sabi ni kuya. Inalalayan ako ni kuya papasok mula ng unit. Nang umupo kami ay katabi ko si Pia habang si kuya ay naupo sa single chair at iniharap sa amin.

"For now, ganito ang plan. Ako ang susundo at hahatid sa inyo. Since namukhaan niyo ang suspect, we need to take an action to protect ourselves. " mahinahong sabi ni kuya.

"Paano nakatakas?" seryoso kong tanong.

"I don't know the whole story. Dad just told me."

"Bro, kinakabahan ako." mahinang sabi ni Pia nakatingin sa akin.

Niyakap ko siya. "I'm here. Nandito rin si kuya. We are here to protect you." bulong ko sa kanya. She nodded and looked at her trembling hands. Agad kong hinawakan ang kamay niya at ngumiti.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon