Chapter 27

30 1 3
                                    

Cil's POV

Kinabukasan.

Nagising ako sa liwanag ng araw na tumatagos sa aking pilik-mata. Unti-unti kong minulat ang sarili.

"Wa!" gulat kong sigaw nang makita ko si Kuya, Ate Pin at Pia sa harap ko, mga naka-cross arms at suot pa ang kanilang pantulog. Tiningnan ko ang phone ko at ala-siete pa lang ng umaga.

Hindi sila nagsalita. Pinagmasdan ko ang kanilang mga mukha at ito ay puro seryoso. Nang makaramdam ay dahan-dahang umupo ako.

"Why are you guys so serious? Umagang-uma—" di ko na natapos ang sasabihin ng biglang sumabat si Pia.

"Serious? Alam mo ba ang nangyari sa amin?" mataray niyang sambit.

"Hindi, kita niyo naman kakagising ko lang. Tch." Sarkastiko kong sagot. "Bakit ba ang seryoso niyo?"

"Nag-panic lang naman kami, Bro." Si Pia.

"Bakit kayo nag-panic? May sunog ba?" lumingon ako at natigilan ako. Ang mga katulong ni kuya ay nakapalibot sa akin.

"Sister, we thought nawawala ka. Everyone was worried." Dinig kong sambit ni kuya.

"Bwahahaha. Jinjja?" lumingon ako kila kuya. Nakakunot ang mga noo.

Translation: Really?

"Pumasok kasi si Pia sa kwarto mo, tapos hindi ka niya nahanap. Kaya ayun sinabing nawawala ka." Si Ate Pin.

"Alam mo niyo naman may pagka-OA yan."

"True." Patango-tangong nilingon ni Ate Pin si Pia. Tinaasan naman ni Pia ang ate niya ng kilay, tsaka siya lumingon sa akin.

"Bakit ba kasi dito ka natulog?" inis na sambit ni Pia.

"Trip ko lang. Bakit?" biro ko.

"Wow, lakas din ng trip mo noh? Wala sa lugar."

"Paanong wala sa lugar? Nasa bahay tayo ni kuya. Lugar iyon." tumayo ako at inakbayan siya, "Wag ka ng magalit. Nakita mo na ako diba?" bumaling ako ng tingin kay kuya, "Gutom na ako. May pagkain na ba?"

Tumango siya. "Tara?" yaya ko kay Pia.

"Psh." Inirapan niya ako at tinanggal ang kamay kong nakaakbay tsaka nangunang maglakad papasok ng bahay.

Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni kuya.

"Ano ba kasing ginawa mo at dito ka natulog?" sambit niya sa akin.

"Nagmuni-muni lang. Di ko naman akalain na makakatulog ako dito."

"Pagpasensyahan mo na si Pia. Nag-alala lang masyado." Singit ni Ate Pin.

"Okay lang po. Naiintindihan ko po. Sa tagal ba naming pagkakaibigan. Hahahaha." Sagot ko.

Dining area.

Magkatabi kami ni Pia kumain pero di pa rin niya ako pinapansin. Napa-buntong hininga na lang ako.

"By the way," biglang sabi ni kuya, "Diba aalis kayo mamaya?"

"Opo." Nakangiting sagot ni Pia. Napalingon naman ako sa kanya, hindi niya pa rin ako pinansin.

"Mamaya, dadating yung mga personal body guards niyo." Bilin ni kuya. "And also, update me." Tsaka siya sumubo ng pagkain.

"Opo." Sagot ni Pia.

"Saan pala kayo pupunta?" tanong ni kuya.

"Diyan po sa RM Mall. Malapit lang po." Masayang sambit ni Pia, pero di pa rin ako kinakausap.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon