Chapter 39: Cil's Birthday!

30 2 0
                                    

Chapter 39: Cil's Birthday!

Pia's POV

"Classed Dismiss!" ang mga salitang nagugustuhan ko lalo na ngayon at may outing kami.

"Nandiyan na daw si Kuya Chris." mahinahong sambit ni Cil.

Nakangiti naman ako pero nakatingin lang siya akin, walang emosyon.

"Let's go?"

Tahimik at walang imik. Sanay naman ako na ganito siya pero may kakaiba. Kanina pa siya ganito well, these past few days pa.

Pagkatapos kasi nung araw na nasa unit siya ni Ian ay hindi na siya nagsalita ulit. Di man lang nga nag-kwento. Parati niyang iniiba ang usapan.

Parking Lot.

Nakita namin na naghihintay sila Kuya Chris at Ate Pin sa labas ng sasakyan. Nakita ko rin si tanda na nasa likod ng sasakyan. Marahil nagtataka kayo kung bakit siya kasama. Itanong niyo kay Cil. Hindi ko alam at wala akong pake.

"Are you guys ready?" masayang sambit ni Kuya Chris.

"Yes!" sabay-sabay naming sambit maliban kay Cil na seryoso at kay Tanda na may kausap sa telepono.

Pumasok kami sa sasakyan. Ang driver ni Kuya Chris ang nagmaneho ng sasakyan papuntang paliparan.

Sa harap naupo si Cil. Sa unahan ko naman naupo sila Kuya Chris at Ate Pin. Habang ako katabi ko si tanda na abala sa kanyang laptop. Samantalang, magkatabi naman ang tatlo sa likod namin.

Aish-- Wala tuloy akong makausap.

"Kuya," tawag ko kay Kuya Chris.

Lumingon siya at ngumiti. "Bakit?"

"Anong problema ni Cil?"

Tumingin siya kay Cil at bumaling ng tingin sa akin. "Wag mo siyang isipin. Let's just enjoy her plan."

Bumuntong-hininga ako. Sinilip ko naman sila Robin sa likod. Naglalaro lang sila sa kanilang mga telepono. Wala akong nagawa kundi panoorin ang tinatahak namin.

"Bored?" dinig kong tanong ni tanda.

"Psh, don't talk to me." Irap ko sa kanya.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa 'kin?" tanong niya.

Lumingon naman ako bigla sa kanya.

"Well, let's just say, I don't like your presence here, old man."

"Well, same feeling, short girl."

Umawang ang bibig ko at di makapaniwalang narinig ko na naman ang tawag niya sa akin. Tumaas ang aking isang kilay, "Then, don't talk to me."

"Well, I'm invited so masama namang hindi ako makisalimuha."

"Then, talk to them, not me, old man."

"Well, obviously, may ginagawa sila and ikaw wala, so—"

"I'm not interested." Sabat ko.

"Okay, I just thought you need someone to talk to—"

"Thanks for the offer, but no."

"Okay, madali naman ako kausap."

Umirap ako at bumaling sa bintana.

Psh. Ewan ko ba sa sarili ko, hindi ko rin maintindihan. Bahala siya.

Airport.

Nakarating na kami sa Laoag International Airport. Paglabas ay may sumalubong sa aming matandang lalaki.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon