Chapter 37

31 2 2
                                    

Josh's POV

Ako si Joshua Han Choi pero ang orihinal kong pangalan ay Ivan Mark Galan, 22 years old.

***FLASHBACK***

14 years ago.

Nasa playground ako kasama ang bunso kong kapatid. Makalipas ng isang oras ay nagyaya na siyang pumasok pero pinauna ko siya dahil bibili pa ako ng ulam para sa hapunan namin.

Ang ama ko ay isang construction worker samantalang ang nanay ko ay isang housewife. Mahirap lang kami pero nairaraos dahil sa kuya ko. Nagkaroon siya ng trabaho na mas malaki ang kita kaysa sa aking ama, ngunit di namin alam kung ano ang trabaho niya dahil hindi naman niya ito sinasabi sa amin. Pinagsasabay niya pa ito sa kanyang pag-aaral.

Pagkatapos kong bumili ng mga gulay na isasahog sa aming ulam ay mabilis akong umuwi. Habang naglalakad papasok ng building ay may malakas na pagsabog ang bumulaga sa akin. Tumilapon ako papalayo. Sa mali ng pagkakabagsak ko ay napilayan ako sa aking kaliwang kamay at nagkalasog-lasog lahat ng pinamili ko. Nagkaroon din ako ng sugat sa aking mukha at braso. Ngunit di ko inalintana ang mga tama sa akin at dali-dali akong nagsisigaw at tumakbo papasok ng building pero may mga nakakatanda ang pumipigil sa akin.

Sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. Sobrang bilis ng pag-agos ng mga luha ko.

Hindi pwede!

Ang daming nagsisibabaang tao pero hindi ko pa rin nakikita ang pamilya ko. Mabilis na kumalat ang apoy. Ang guard ng building ang nagpakalma sa akin. Pero, panay pa rin ako sa pag-iyak.

Habang hinahanap ko ang pamilya ko palabas ng building ay nahagip ng paningin ko sa bandang gilid ng gusali at may nakita akong lalaki na naksakay sa sasakyan na nakadungaw sa bintana. Pinapanood niya ang mga nangyayari.

Maya-maya, may lumapit na naka-itim sa kanya at yumuko na para bang nagbibigay galang.

Tumango ang lalaking nasa sasakyan, sinuot ang itim na salamin at sinara ang bintana. Umalis ang sasakyan at ganun rin ang lalaki kinausap nito.

Pinanood ko silang mawala sa paningin ko.

Nagdaan ang mga oras, dumating ang mga bumbero pati ambulansya. Hindi pa rin sila lumalabas, hanggang sa nawala na ang apoy sa buong gusali, di ko pa rin sila nakikita. Walang lumabas ni isa sa miyembro ng pamilya ko.

Natapos ang lahat, kapansin-pansin na natupok lahat ang nasa loob ng gusali.

"Ivan, mukhang hindi sila nakaligtas." malungkot na sambit ni Kuya Nong, ang guard ng building na kanina pa nagpapatahan sa akin.

Naiwan akong tulala at naka-upo sa ilalim ng puno na katapat lang ng gusaling tinitirhan namin.

Maraming mga bangkay ang ibinaba at inihilera sa tapat ng gusali. Inalalayan ako ni Kuya Nong papalapit sa mga iyon. Pagdating ay humagulgol ako ng humagulgol. Sobrang nasunog sila dahil hindi na makilala ang kanilang mukha, pero may makikita pa rin sa ibang parte ng katawan nila katulad ng kanilang damit at kwintas ni Kuya na niregalo ko kahapon para sa kanyang kaarawan. Napaluhod at umiyak ng malakas. Napahigpit ako sa pagkakahawak sa damit ng bunso kong kapatid.

Kanila lang kasama kita...

Si Kuya Nong ang nag-asikaso lahat, pati sa pagpapalibig sa aking pamilya. Siya na rin ang nagdala sa akin sa DSWD para maging bagong tahanan.

Lumipas ang tatlong taon at may kumupkop sa aking magkasintahang na may lahing banyaga. Pagkatapos niyon ay lumipad akong South Korea at doon nanalagi at nagsumikap makapag-aral. Binihisan, inalagaan, at pinag-aral. Binigyan ng marangyang buhay na hindi ko pa nararanasan.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon