Chapter 13

43 3 0
                                    

Ian's POV

Ngayon ay kailangan maagang pumasok dahil campus tour. Kailangan umattend dahil required. 7AM ang pasok pero kailangan kong maaga dahil magkakasama ang mga transferees kaya kailangan ko dumaan ng office.

7:30AM.

Nagsimula na ang campus tour. Sobrang boring dahil hindi naman ako interesado sa history ng iba't ibang building.

Makalipas ang isang oras ng paglilibot ay nadestina kami sa isang lumang building. Saktong nakita ko si Cil nakatayo, nakasuot ng palda na bago sa paningin ko.

Tour guide siya?

Napangiti naman ako pero nawala rin nang mapansin ko ang gasa sa may bandang siko niya.

Pagdating ay nagsimula silang magpakilala ng sarili nila.

"Hi, guys! I am Rhea," pagkatapos ay bumaling siya ng tingin kay Cil,

"and I am Cilianne," nakangiting sambit ni Cil.

"Your hosts for the mean time." sabay nilang sambit. Pumalakpak kaming lahat.

Pagkatapos niyon ay nag-paliwanag na sila tungkol sa building. Buong magdamag bumalik ang saya at interes sa tour na ito.

"Any questions?" tanong ni Cil sa aming lahat. May nagtaas naman ng kamay, napalingon naman ako kung sino ito...

Yung lalaki kahapon sa canteen!

Transferee siya?!

Bumaling naman ako ng tingin kay Cil na nakangiti pa rin at parang wala lang sa kanya ang presensya nito. Nakakapagtaka dahil kahapon galit na galit ito.

"I would like to ask, what is friendship to you?" nakangisi niyang tanong.

Ngumisi naman siya. "Out of the context." mataray niyang sagot.

"I don't think so. Base on what you've told us. This building--" sabay turo niya sa lumang building na diniscuss nila Cil, "is built due to friendship." at ngumiti.

"Nakikinig ka pala." natatawang sambit ni Cil, "Okay, so the answer for your question--" bumaling siya ng tingin sa akin na ikinagulat ko, "Friendship is where you keep precious--" pagkatapos ay tumingin siya sa aming lahat, "for self-gain."

"What do you mean?" karagdagang tanong niya.

Ngumisi naman si Cil, "Self-explanatory." matipid niyang tanong.

Naiwang tulala ang lahat dahil hindi nila maintindihan ang sinasabi ni Cil, lalo na ako.

"Any questions?" sabat naman ni Rhea, kasama ni Cil na nagdiscuss.

Nanahimik kaming lahat. Biglang nagsalita sila.

"Thank you for coming. We will distribute some freebies." masayang sambit ni Rhea. Nagsimula silang mag-distribute ng freebies.

Di ko naman maka-usap si Cil dahil busy siya at kita sa kanya ang pagkairita sa suot niya. Maya-maya, may kumausap sa aking babae.

"Excuse me," nakangiting sambit nito.

"Yes," sagot ko naman.

"Ako nga pala si Diana." pagpapakilala niya tsaka siya nag-abot ng kamay.

"Ian," nakangiting sambit ko tsaka ko inabot rin ang kamay.

"Medyo nakakatamad noh." sambit niya.

"Medyo. Hahaha." habang tinitigan si Cil.

"Pero alam mo ba, bilib ako sa sagot ng babaeng yan." napalingon naman ako bigla sa kanya, "She's definitely honest." nangingiting sagot niya.

"What do you mean?" taka kong tanong.

"It's difficult to explain psychological terms. Why? Because it's self-explanatory." seryoso niyang sagot, "And that's why I admire her, she answered the question based on her experience and observation. Nothing else." nakangiti niyang sagot.

"Pero ano ang naintindihan mo sa sinabi niya kanina?" sabat ko.

"Friendship depends on how we use it but it ends up egotistical. We have friends and we appreciate them as precious but sometimes, we tend to reason friendship to prosper our own selves." naramdaman ko ang pagtapik niya sa braso ko, "Ganun ka lalim ang sinabi niya. Hindi naintindihan ng iba kasi sariling experience o observation niya yun. But--" napalingon ako sa kanya, "there might be deeper thought on what she told us. It might be just the tip of the iceberg."

"Paano mo naman nasabi?"

"Because the glare she puts on you is different." natigilan naman ako sa sinabi niya.

Anong different?

"H-ha?" nauutal kong sabi habang tiningnan ko siya.

Nagkibit-balikat siya. "Really different..." at tumingin siya kay Cil kaya naman tumingin rin ako. Gulat akong napaatras nang makita kong nakatingin si Cil sa gawi namin. Ngunit walang emosyon pinapanood kami. Naramdaman ko naman ulit ang pagtapik ni Diana sa balikat ko, "Una na ako." paalam niya. Tumango naman ako habang nakatingin kay Cil na kausap ang mga kasama namin.

Bakit ganito ang pakiramdam ko... Parang ang laki ng kasalanan ko... Yung titig niya di ko alam bakit ganun...

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon