Chapter 17

42 3 1
                                    

Cil's POV

Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko. Umupo ako at tsaka ko lang naalala na tinulugan ko si Ian. Napasapo ako ng ulo at dali-daling tumayo tsaka lumabas ng kwarto.

Nakita ko ang gamit ko na nasa center table na malinis ang pagkakaayos. Nakaayos rin ang ginamit kong unan at kumot.

Napakamot na lang ako ng ulo.

Ang hirap naman ng tulog mantika matulog. Argh! Wait... binuhat niya ako?!

Natigilan ako. Naiwan akong nakatayo sa harap ng living area.

Maya-maya, may tumunog. Doorbell ng unit. Dali-dali kong binuksan ang pinto at nakita ko si Ian, may dalang pagkain. Gulat akong napasigaw.

"Ian?!" di ko inaasahang sigaw ko.

"First time saying my name loudly, huh?" nakangisi niyang sambit.

Naiwan akong tulala sa mga nangyayari. Bakit siya nandito?

"Ehem," dinig kong pumeke siya ng ubo kaya bumalik ang ulirat ko, "These are heavy, baka naman?"

Binuksan ko na lang ang pintuan at pinatuloy siya. Habang binababa ang mga pagkain sa center table ay nagsalita na agad ako.

"What happened?" seryoso kong tanong habang naka-cross arms.

Di siya sumagot at takang tiningnan ako.

"Yesterday." matipid pero seryoso kong dagdag.

"Hmm..." bahagyang tumabingi ang kanyag ulo at hinawakan niya ang kanyang labi n apara bang nilalaro ito habang kunot-noong tinitingnan ako, napatitig naman ako sa ginawa niya. Matapos niyang gawin iyon ay lumapit siya ng dahan-dahan papunta sa gawi ko.

Nang makarating siya sa harapan ako ay lumapit pa siya lalo kaya napaatras naman ako bigla. Anong ginagawa niya? Hanggang sa napasandal ako sa high chair at napahawak rito, dahan-dahan niyang iniharang ang kanyang dalawang kamay sa gilid ko at humawak sa high chair na nasa likuran ko. Hindi ko maibuka ang aking bibig at parang nauubusan ako ng hangin sa paligid. Pumikit ako at pinakalma ang sarili.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa aking tenga, tsaka siya nagsalita.

"Take a bath first." natigilan ako at napamulat ng mata, "Mukha kasing kakabangon mo lang." bulong niya. Lumayo siya sa akin at ngumiti. "I'll prepare our breakfast." at tinapik ang balikat ko tsaka siya pumunta sa center table at inayos ang pagkain namin.

Dali-dali akong pumunta ng kwarto at tiningnan ang sarili sa salamin. Napatakip ako ng bibig nang magulat sa aking hitsura. Gulo-gulo ang buhok, may muta pa sa mata, at gusot na gusot ang suot na damit.

Mabilis kong kinuha ang tuwalya at damit na isusuot, tsaka ako pumunta ng banyo.

Argh! Bakit ganito ang nararamdaman ko...nahihiya...

Paglabas ko ay nakaupo lang si Ian sa sahig at pinagmamasdan ang panahon sa bintana. Naglakad ako papunta sa gawi niya at naupo sa harapan niya.

"Now, tell me what happened?" seryoso kong tanong at pinatong ang tuwalya sa ulo ko.

"Let's eat first." sambit niya. Napatingin naman ako sa nakahain. Egg roll, spam ham, pritong galunggong, pumpkin soup at red bean rice ang nakahanda. Natigilan ako.

Lahat ng paborito ko. Anong meron?

"A-anong meron?' nauutal kong tanong.

"Uhmmm... kakain?"

"How did you...I mean...When...Did I..." naguguluhang sabi ko. Bigla naman siyang tumawa, ikinagulat ko ito.

"You're so cute." nakangiting sambit niya, nakagat ko naman ang sariling ibabang labi nang marinig kong sabihin niya iyon sa akin. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Sa unang pagkakataon, may anong kiliti sa tiyan ko na para bang may mga bulateng nakatira rito at nagising ang mga diwa dahilan para sila gumalaw. Naramdaman ko ang puso ko na parang hinaplos ng kanyang mga salita. Naiwan akong nakatitig sa kanya. Nawala ang ngiti niya at takang tiningnan ako. "O-okay ka l-lang ba?"

Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang sarili.

*DUG* *DUG* *DUG*

Anong nangyayari sa akin?! Bakit parang parati nang napapadalas...

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon