Chapter 57

6 0 0
                                    

Ian's POV

"Musta!" sigaw ni Pia mula sa aking likuran. Nandito ako ngayon roof garden. Kasama niya si Dan. May alam itong lalaking ito sa lahat ng nangyayari sa akin at pati ang plano ko kaya nga sinabihan ko siyang bantayan ng maigi si Cil pero mukhang iba ang nabantayan. Di ko siya masisi dahil may mga oras siya for himself and I can't get that from him. Inakbayan ako ni Pia at humabol ng suntok sa tiyan dahilan para mapayuko ako.

"Bakit mo ginawa yun?!" inis kong sagot.

"For my best friend. Wala siya dito so ako muna ang substitute." Mataray niyang sagot.

Natawa naman ako, inalalayan akong muling makatayo ni Dan. Inis ko naman siyang tiningnan, ngumiti na lamang siya bilang sagot.

"Alam kong may purpose lahat ng decisions mo." Dagdag ni Pia, "at alam iyon ni Cil."

Ngumiti na lamang ako at tumango.

"Kaya naman pagbutihin mo."mataray niyang dagdag, umawang naman ang bibig ko at di makapaniwala sa narinig.

"Dude," singit ni Dan pero bago siya makapagsalita ay narinig naming ang pagtawag sa pangalan ko ni Kuya Chris na papalapit sa gawi namin. Nagpaalam gamit ang mga tingin sila Dan at Pia.

Katahimikan ang nanaig sa pagitan naming ni Kuya Chris kaya naman nagdesisyon akong magsalita. "I know na nadala ka lang sa emosyon mo kaya mo nagawa yun. I understand. But all my decisions are based on my instincts that can guarantee your sister's safety, Cil's safety. I love, Cil. I love her higher than hers. The first time I saw her in the apartment, I can't help but smile. After knowing our paths are the same, I almost think that its destiny. Being in this kind of family war, I want to sacrifice myself for her and that's what I promised to her birthday. I am willing to do everything for her. Siguro nga ganito kapag gusto mo ang isang tao. Ngayon lang kasi ako nagkagusto ng sobra-sobra. Tama ka, coward ako."

"No, Di ko sina—" bago pa matapos magsalita si Kuya Dan ay nagsalita ako.

"I know, but dati na akong duwag sa mga bagay-bagay. Umalis ako ng bahay at tumira sa apartment ng kapatid ko para makatakas sa buhay ko kasama ang tunay kong tatay. Doon pa lang makikita mo na ang pagiging duwag ko. Kaya simula ng makilala ko si Cil, I made myself stronger. I even promised to her to be her ideal man she met."

"I can assure you, she trusts you." Sagot ni Kuya Chris.

Ngumiti ako. "Balita ko po ikakaksal na po kayo kay Ate Pin."

Napakamot siya sa ulo, "I want to settle my life with her for the rest of my remaining life." Umakbay siya sa akin, "You know what, I'm sorry for what I did earlier. Siguro ganito yung naramdaman ni Cil nung wala siyang alam sa pagkatao niya. May alam ka pa ba? I'm sorry if sayon a ako nagtatanong, because my da—I mean my brother is not that vocal in things."

"Mas mabuti pong sa kanya na po manggaling ang lahat-lahat."

Tinapik-tapik niya ng mahina ang braso ko habang nakaakbay, "I guess, that's all I need to do. I thought our family is perfect the way we can see but I guess secrets are all around the corner that can hit the truth sarcastically."

Matapos niyon ay pumasok na kami at nagpahinga habang naghihintay sa kinalalagyan ni Cil. Kahit di makatulog ng maayos ay sinabihan ako nila Roze na mas mabuting matulog para may maipon akong lakas dahil kagagaling ko lang sa biyahe. Sinunod ko iyon. Humiga ako sa couch ng living area at doon natulog.

Kinabukasan.

"Ian, gising." Gising sa akin ni Roze habang inaalog ang braso ko. Agad akong napabangon at natigilan ng makitang lahat sila ay nakatingin sa akin. "We already found her." Sabik na sambit ni Ate Roze.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon