Chapter 23

35 1 3
                                    

Chris' POV

Pagkatapos kong kausapin si Cil ay dumiretso na akong pumunta sa shop ni Pin. Dati ko na itong alam, simula nung nagpatayo ako ng sarili kong bahay malapit dito.

***FLASHBACK***

1 year ago.

Pagkababa ko ng sasakyan ay biglang tumawag si dad.

"Son? Where are you?" pambungad na tanong niya.

"Dad, I'm going to buy some drinks. I'll be back." sabi ko sa kabilang linya.

"Sige, kausap ko na si Engr. Lucille. Kararating lang niya." sabi ni dad.

"Okay po." sagot ko.

Pagkatapos nun ay binaba na namin ang linya. Pagpasok ko ay dumiretso akong pumunta sa counter.

"Good morning po, sir. Ano pong order nila?" tanong ng lalaking crew.

"Two hot cappuccino and one americano. Both sizes, tall. Take out." seryoso kong sabi habang kinukuha ko ang wallet ko mula sa likurang bulsa.

"470 pesos po lahat." Kinuha ko ang 500 pesos sa wallet ko at inabot sa kanya ng nakangiti.

"I received 500 pesos." sabi ng lalaki at nagsimulang magpipindot. "Here's the change, sir. 30 pesos." at tsaka inabot sa akin.

"Good morning po, Ma'am." nakangiting sabi ulit ng lalaki pero sa iba na nakatingin. Tiningnan ko kung sino ang binabati niya at nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng light blue polo long sleeves na nakatucked-in ang harap sa black skinny pants samantalang nakalaylay ang iba sa kanyang likuran. Nakatupi ang mga manggas nito hanggang sa siko. Ang sapatos ay puting converse shoes. Naka-bun ang kaniyang itim na buhok. Bitbit niya sa kanyang harapan ang isang box at kita sa kanya ang hirap ng pagbubuhat.

"Good morning." sabi niya at ibinaba ang box sa gilid ng counter. Pagkatapos ay ngumiti siya. "Mina," tawag niya sa babaeng crew na nagpupunas ng lamesa. "Meron pang ibang boxes sa saksakyan tulungan mo nga ako."

"Sige po ma'am." nagmadali ang babaeng crew na punasan ang table at sinamahan ang babae pumunta sa sasakyan niya. Hinintay ko ang order ko. Makalipas ng ilang minuto ay naibigay na kaagad ang order ko.

"Sir, eto na po order niyo." sabi naman ng isang babaeng crew kaya naman napalingon ako.

"Thank you." ngiti kong sabi. Lumabas na kaagad ako at pumunta kung nasaan ang nakapark sasakyan ko.

Kaso nakita ko yung babae nagbubuhat mag-isa para ibaba ang mga boxes sa likod ng kotse. Lumapit naman ako para tulungan siya at nasa likod niya ako.

"Miss, do you want help?" mahinahong sambit ko.

"Okay na po, kuya. May makakatulong naman po sa akin." masayang tonong sabi niya ngunit hindi niya ako nililingon at aligaga sa pag-aayos ng gamit.

"Ma'am! Eto na po yung gunting!" sigaw ng crew kanina na tinawag na Mina.

Lumingon siya pero saktong tumama ang ulo niya sa dibdib ko.

"Ay, sorry po. Sorry. Sorry." mahinang paulit-ulit na sambit niya pero nakatungo lang siya at hinihimas ang ulo niya.

"It's alright." mahinang sambit ko. Hahawakan ko sana ang ulo niya pero lumingon siya sa tauhan niya at kinausap, hanggang sa hindi na nila ako pinansin. Kaya naman umalis na lamang ako.

***END OF FLASHBACK***

"Good morning, sir!" bati sa akin ng lalaking crew. Lumapit naman ako sa kanya, inalis ang shades at nagtanong.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon