Chapter 38

28 2 0
                                    

Josh's POV

Habang inaalalayan ako ni Diana ay kunot noo ko lamang siyang pinapanood.

"Don't stare at me. Kung ayaw mo mawalan ng mata." matapang na banta niya sa akin.

"Tsk." umiwas ako ng tingin, "ang sungit naman nito." singhal ko.

Naramdaman ko ang pagdiin ng kanyangmga kuko sa aking braso. Kinagat ko ang aking mga labi at tiniis ang sakit.

Lumapit siya at bumulong. "Masyado ka kasing maraming sinasabi."

Pagkatapos niya akong pahigain ay hinablot ko ng mabilis ang kamay niya ng umakmang aalis na siya.

"Wait." pigil ko sa kanya. Kunot-noo naman siyang lumingon. "About sa nangyari kanina..."

"Sometimes, we need to be sensitive enough--"

"What do you mean?" sabat ko.

"Let's just say, every plan has consequences."

"Ha?"

"Just sleep." at umalis pero bumalik din ulit, "Pagkatapos mo ma-confine dito, sa bahay ka namin muna tumira. It's already settled." taka ko siyang tiningnan.

"I have my own house." nakangiwing sambit ko.

"We already checked it. Mukhang may ginawa si Mr. Lee about dun. Also, ask your parents kung okay lang sila. Baka kasi.."

"Okay, I'll check on them." mabilis kong sambit.

"That's good. Sige, matulog ka na." masayang sabi niya.

"Dia," tawag ng ama ni Diana. "Ikaw muna maiwan dito, may pupuntahan lang ako." paalam nito. Tumango si Diana. Bumaling naman ng tingin ang ama niya sa akin, "It's nice to be on the same tract, Mr. Choi." nakangiting sambit niya, "Take a rest." at tuluyang umalis ng kwarto.

Nahiga si Diana sa couch katabi ng kama ko.

"Di ka ba uuwi?" bigla kong tanong sa kanya.

"Nope. I'll guard on you." at humiga ng nakatalikod sa akin.

Tunog galing aircon lamang ang naririnig sa pagitan namin. Awkward.

"Gusto mo bang patayin yung ilaw?" sabay naming sambit.

Nagkagulatan kami at matagal din kaming nagkatitigan.

"S-sige, I-i'll close the lights." mabilis na sambit ni Diana at tsaka tumayo at pinatay ang mga ilaw. Iniwan niyang nakabukas ang ilaw sa malapit banda sa ulunan ko at saka bumalik sa kanyang higaan.

Pinanood ko siyang gawin ang lahat ng iyon. Lumipas ang mga oras, tahimik na naman ang paligid at hindi pa rin ako makatulog. Panay lamang akong naktingin sa puting kisame.

"Nasobrahan ata ako sa tulog. Bakit di ako makatulog?" mahinang singhal ko.

"Just close your eyes." biglang dinig kong nagsalita si Diana. Gulat akong napatingin sa gawi niya. Nakatalikod pa rin siya.

Di pa siya tulog?

"Nagising ba kita?" nag-aalala kong tanong.

"No." mabilis niyang sambit. "Can I ask something?" dagdag niyang tanong.

"Sure." mabilis kong sagot. Humarap siya sa akin.

"Why are you still on revenge like... I think it's better to live ahead of him instead—" di na niya natuloy ang sasabihin niya ng sumabat ako.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon