Chapter 55

14 0 0
                                    

Cil's POV

Nakarating kami sa isang building. Pag pasok ay maraming nag-eensayo na kababaihan at kalalakihan sa iba't ibang silid. Sa dulo ng pasilyo ay may nag-iisang itim na pintuan at doon kami pumasok. Malawak na silid ang bumungad at kita ang buong siyudad sa mga naglalakihang bintana.

"Take a sit." Utos ni Roze habang nakaturo sa couch na nasa harapan ng office table niya. Sinunod ko naman iyon at nakaharap ako ngayon sa television na biglang bumukas at ipinakita ang iba't ibang videos sa iba't ibang kahon.

CCTV footages.

Pero bigla akong natigilan ng biglang naaninag ng paningin ko ang isang pamilyar na lalaking nakatalikod at naghuhugas sa kusina. Si Ian.

Napatayo ako at lumapit sa TV. Pinagmasdan ko lang ang kilos niya at di napigilang umiyak. Napatakip ako ng aking bibig at napapikit ng mariin tsaka tumulo ang aking mga luha. Maya-maya ay naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Roze.

"He's been spending his days in my house in Korea together with Diana and Josh." Bigla akong natauhan at napaharap sa kanya. Ngumiti siya at nagsimula muling magsalita, "He asked for my help and also, Josh and Dan, that's why Dan told you because yesterday, Ian almost died." Biglang nanghina ang mga tuhod ko ng marinig ang huling sinabi niya. "Fortunately, Diana was able to notice the suspect and stop it."

"Sino?" seryoso kong tanong.

Bumuntong-hininga siya, "Your dad's underling."

Ngumisi ako, "How can you be so sure? It doesn't make sense."

Pumunta siya sa kanyang office table at may kinuhang folder sa loob ng drawer. Tsaka siya lumapit sa akin at ibinigay ito. Taka ko iyong tinitigan.

"These days, truth should have with evidence." Singhal niya.

Kinuha ko iyon at tiningnan. Si Mr. Lee at si Dad magkasama sa isang lugar. Tumingin ako muli ng isang litrato. Si dad kasama ang iba't ibang lalaking naka-pormal ang suot. Pero mas natigilan ako ng makita ang isang pamilyar na salita. WANG. Ito ay naka-tattoo pero di ko alam kung saang parte. Agad ko itong pinakita kay Roze.

"Where did you—"

"That was found to the person's neck who was about to attack Ian." Sabat niya.

"Neck?" kunot-noo kong tanong.

Taka siyang tumango. "And I found out that, it is one of Mr. Kim's underlings."

Bigla akong natigilan sa narinig ko. So isa sa mga sumugod sa akin, tauhan ni dad. Why? Why would he do that? It's impossible.

"I guess you are questioning things. Na hindi magagawa iyon ng dad mo. Na imposible. Well, that's one of the reasons why Ian broke up with you. The love for your father is strong enough that it can be number one priority and the thought of being grateful can't be destructed."

"Cuz, it's really impossible. But—" napapaisip ako, base sa mga ebidensya, may koneksyon si dad at si Mr. Lee all this time. Pero-- Napataas ako ng tingin, "paano mo nakuha ang mga ito?"

"Upon investigating noon si Mr. Lee, napansin kasi namin na may koneksyon sila ng father mo. We try to confirm it with your dad, but he denied. He said that he was begging for whereabouts of your mom."

"That's it. He can't—"

"But not after, Ian found out something."

Kumunot ang noo ko.

"Someone gave a package for you and Ian before the day of your dischargement in the hospital, but Ian was able receive and open that package first. And this is the package—" may binigay siyang isang papel.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon