Chapter 52

28 0 0
                                    

Chapter 52

Pia's POV

Nang marinig ko ang doorbell ay agad akong kumaripas ng takbo at sinalubong sila Cil ngunit bahagya akong natigilan ng mapansin ko ang pagiging walang gana at pamamaga ng mga mata ni Cil. Magsasalita na sana ako pero agad akong pinigilan ni Kuya Chris at Ate Pin. Sinunod ko iyon. Inihatid ni Kuya Chris si Cil sa kanyang kwarto. Hinintay naman naming Si Kuya Chris bumaba, kasama namin sila Tito at Tita na parehas walang naiintindihan sa kinilos ni Cil.

"What happened?" bungad na tanong ni Tita. Isa-isa kaming tiningnan ni Kuya Chris at bumuntong-hininga.

"Ian is missing." Tsaka niya binigay ang isang papel. Agad naman naming binasa ang nakasulat sa papel. Let's break up. – Ian

Habang hawak-hawak ko ang papel ay hindi mawari ang isip ko. May problema. Nagdesisyon akong kumilos pero pinigilan ako ni Ate Pin.

"Let her be alone first." Seryosong sambit niya. Nagmamakaawang tiningnan ko siya pero hindi ito tinablan. Buong araw hindi ko nakitang lumabas ng kwarto si Cil. Sinubukan namin siyang bigyan ng pagkain pero naiwan lang ito sa harap ng pintuan niya nang hindi nagagalaw. Walang ingay mula sa kanyang kwarto ang naririnig. 

Hanggang sa sumapit ang 11 o'clock, narinig ko ang pagkalusos ng pintuan. Agad kong sinilip kung sino iyon at tama ang hinala ko, si Cil. Siya ay nakasuot ng itim na jacket at pants. Dahan-dahan siyang naglakad. Dali-dali ko namang kinuha ang jacket at cap ko, tsaka sinundan kung saan pupunta si Cil. Sumakay siya sa sasakyan habang ako ay pumara ng taxi.

Lumipas ang ilang minutong biyahe ay nakarating kami sa seaside. Maraming mga restaurants at bar na nakabukas. Sinundan ko si Cil hanggang sa natigilan ako nang makita ko siyang pumasok sa isang bar.

Kailan pa natutong pumunta sa ganitong lugar si Cil?

Umupo sa tabi ng salamin si Cil, nasa tapat niya ay makikita ang karagatan ngunit dahil sa kaliwanagan na ibinibigay ng mga ilaw ng mga establishimento ay nilalabanan ang liwanag na nanggaling sa buwan. Buong magdamag ay pinanood ko lang kung paanong uminom ng alak si Cil at umiiyak siya ng tahimik. Maya-maya'y may lumapit na isang lalaki at kinausap si Cil. Ngunit kasabay nito ang pagtunog ng aking telepono. Si Kuya Chris tumatawag.

"Pia, nasan ka?" bungad na tanong ng babaeng boses. Si Ate Pin.

"Nandito sa seaside. Sinundan ko si Cil." Pabulong kong sagot.

"Sige, papunta na kami diyan." Pagkatapos ay binaba ang telepono pero kasabay nito ang nakita kong hindi ko inaasahan. 

Nakita ko kung paano labanan ni Cil ang grupo ng kalalakikahan gamit ang kanyang lakas. Napasugod ako sa loob at doon na lang napahinto kung paano walang takot na tinapakan niya ang kamay ng lalaki na pilit na inaabot ang isang kalibre ng baril. Pinulot ito ni Cil at kinalas ang mga parte nito tsaka kinalat ito kasama na ang mga bala nito.

"I'm the type of person you should be afraid of. Kapag sinabing no, you should understand what it means." Matapos niyang seryosong sambitin iyon ay lumapit siya sa isang babae at tsaka hinubad ang sariling suot na jacket tsaka ipinatong sa balikat ng babae. Pagkatapos ay naglakad siya sa lugar na kung saan may naglalaro ng darts at walang ano-ano ay kumuha ng isang dart pin na nakalagay sa lamesa tsaka uminom ng alak at pabayang binato ang dart pin at nagulat ang lahat dahil tumama ang dart pin sa gitnang bahagi ng dart board.

"Kakaiba. Ngayon lang may lumaban sa grupo nila James." sabi ng isang babaeng customer na katabi ko.

"James?" taka kong tanong.

"Anak siya ng may-ari ng bar na ito." Sabi ng katabi niya.

Kunot-noo kong pinagmasdan kung paano sila dahan-dahan tumayo at masamang tumngin sa gawi ko, kung saan dumaan si Cil. Agad naman akong natauhan ng maalalang kailangan kong sundan si Cil. Paglabas ay narinig ko ang boses ni Cil.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon