Chapter 15

39 3 1
                                    

Cil's POV

Apartment. Parking lot.

Kasalukuyang hinatid ko si Pia sa parking lot at nandito na rin si Ate Pin para sunduin siya.

Niyakap ako ni Pia, "Mamimiss kita." malungkot niyang bulong.

"Stupid, may klase pa tayo sa monday." sarkastiko kong sagot. Pinalo naman niya ako sa likod kaya napahiwalay ako sa yakap. Tumawa naman ako ng malakas.

"Alam ko!" sagot niya, natawa naman ako dahil sa mukha niya.

"Alam mo naman pala. Akala ko--" binatukan niya ako. Napahawak ako sa ulo ko at dumaing na nasaktan sa ginawa niya.

"Kahit kailan talaga." singhal niya. Niyakap niya ulit ako. "Mag-iingat ka." natatawang tumango naman ako at hinagod ang likod niya.

"Tama na yan!" sigaw ni Ate Pin na nakadungaw sa bintana ng sasakyan. "Akala mo maghihiwalay kayo ng limang taon, eh. Tsk. Tsk. Tsk." mahinang sambit pero dinig pa rin namin.

Lumayo si Pia sa akin at tiningnan ng masama ang ate niya. "Magsasalita na nga lang, di pa magandang pakinggan." inis na bulong niya. Ngumiti na lang ako at inakbayan siya.

"Sige na, baka ma-traffic pa kayo." sabi ko.

Ngumiti siya at tumango. "Sige, bye!" paalam niya habang papasok ng koste. Ngumiti ako at kumaway.

"Ingat!" masayang paalam ko sa kanila habang dahan-dahan silang umandar papaalis. Pinanood ko muna silang mawala sa paningin ko bago kumilos at pumanik paitaas.

Habang paakyat, nasa elevator ako at iniisip pa rin kung sino ang taong gustong bumaril sa akin. Marami kasing pwedeng dahilan, una, para takutin ako, pangalawa, hindi ako ang target, at pangatlo, babarilin talaga ako. Napapikit ako sa sobrang gulo ng tumatakbo sa isip ko.

"Miss," napadilat naman ako bigla nang marinig ko iyon, tiningnan ko kung sino ang tumawag, isang matandang babae. "Hindi ka ba baba?" tanong niya.

"Ay, pasensya na po." tsaka ako nagmamadaling bumaba ng elevator.

Nakatungo ang ulo kong naglalakad at panay ang pagbuntong-hininga ko.

Wala pa naman akong ginagawa pero bakit parang ang bilis naman niya gumawa ng aksyon. Sige, kung ganito ang gusto mo Mr Lee. I'll give it all, kahit buhay ko pa ang kapalit. Nasimulan ko na and I'll fight till the end.

"Ah!" sambit ko at napahawak sa ulo ko. Ang sakit. May nabangga akong tao. May biglang humawak sa magkabilang braso ko.

"Sorry..." isang pamilyar na boses ang lumakbay sa aking tenga. Ian? Inangat ko ang tingin ko at saktong nakababa ang tingin niyang nag-aalala sa akin. Nakita ko na naman ang mukha niya ng malapit. Dahan-dahan siyang lumapit sa mukha ko, bigla ko namang naramdaman ang pag-init ng mukha at tenga ko. Bigla niyang hinaplos ang noo ko at tiningnan kung anong nangyari. Pakiramdam ko slow-mo ang lahat ng nangyayari ngayon.

*DUG* *DUG* *DUG*

Ang pag-tibok lamang ng puso ko ang naririnig ko at parang tumahimik ang lahat para sa damdamin kong di ko maintindihan. Di rin ako makahinga ng maayos at parang kinakapos ako ng hangin.

Bago pa ako mawalan ng ulirat ay tinulak ko siya.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Ian, tsaka siya lumapit pero tinaas ko agad ang kamay ko para pahintuhin siya sa paglapit sa akin.

"Yeah, bakit ka ba nandito?" mataray kong tanong.

"Hinihintay kasi kita. Diba gagawin natin yung activity sa Pre-Calculus."

Napasapo ako ng ulo. Nakalimutan ko.

"Sige," seryosong sambit ko. Nilibot ko ang paningin ko at nasa harap na ako ng unit namin ni Pia. Kaya binuksan ko ito at pinapasok siya. "I'll get my things." paalam ko.

Pagpasok ng kwarto ay doon ako nagpakalma ng sarili. Huminga ako ng malalim at nilabas ito ng dahan-dahan. Pagkatapos kong gawin iyon ay kinuha ko na ang notes na binigay sa akin ni Pia at books ko at dali-daling lumabas ng kwarto.

"Kumain ka na?" bungad na tanong niya.

Umiling ako. Pagkatapos kasi namin bumalik ng unit ay saktong dumating na si Ate Pin. Nagpalit muna kami ng damit, nagsuot ako ng gray losse pants at black loose shirt. Nakahanda na ang gamit ni Pia kaya kasabay nito ay inihatid ko si Pia sa parking lot.

Bigla siyang naglabas ng cup noodles. Nangiti naman ako bigla.

"Mag-order na lang tayo." sabi ko habang nilalapag ang gamit sa center table.

"Ahhh..." malungkot niyang tugon.

Pagkatapos kong umorder sa isang Korean restaurant ay nagsimula kaming mag-usap tungkol sa activity. May tatlong pages ang activity at puro graphing equations, reading graphs at basic concepts of algebra. Napagdesisyunan naming maghati-hati ng gagawin at pagkatapos ay ire-recheck namin ang ginawa ng isa't-isa.

Lumipas ang isang oras at dumating ang pagkain. Ako na nagbayad dahil bisita ko siya.

Habang kumakain ay biglang nagsalita si Ian.

"Yung tungkol sa sinabi mo kanina..." sambit niya, bumaling naman ako ng tingin. "Tungkol sa friendship--"

"Hmm?" pagkatapos ay kumain ako.

"A-anong ibig mong s-sabihin?" nauutal niyang tanong.

Natigilan ako. Nilunok ko ang kinakain ko pagkatapos ay uminom ng tubig. Tiningnan ko siya ng diretso at bigla siyang umiwas ng tingin. Ngumiti naman ako.

"Friendships are precious but egotistical." matipid kong sagot. Gulat siyang napatitig sa akin.

Because of friendship, each has different reasons to stay. Just like me, staying close to you is getting closer to my plan. And after that plan, it will be the best ending ever, 'til the day I die.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon