Chapter 45: The Game.

24 1 0
                                    

Cil's POV

Gymnasium Hall. Book Fair.

Maaga akong pumasok dahil ngayon ang event ng book fair. Ang limang buwan kong pinaghandaan. Sa nakalipas na araw nagingNaalala na lahat ni Ian. Iyon ang masasabi ko. Alam na niya lahat, pati rin ako.

***FLASHBACK***

Gulat akong napabangon kaagad ng makarinig ako ng isang kalabog ng pintuan. Pinilit kong buksan ang aking mga mata pero isa lamang ang nagawa ko.

"Sino yun?" dinig kong inis na sambit ni Pia, na nakapikit pa rin ang mga mata. "Umagang-umaga. Hindi tuloy natuloy yung kiss ko." Bulong nito. Ngumisi na lamang ako at bumaling ng tingin kung sino ang gumawa ng ingay. Pero nagulat ako ng makita ko ang sumunod na pangyayari. Si Ian. Niyakap niya bigla si dad.

"Ian?" sambit ni Pia.

Lumayo sa pagkakayakap si Ian at bumaling ng tingin kay Kuya Chris. Niyakap niya ito kaagad.

"Anong meron?" takang tanong ni Pia. "May shooting ba ngayon? Bakit parang nasa pelikula ako."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ni Pia o maiinis dahil seryoso ang mga pangyayaring nagaganap.

Lumayo sa pagakkayakap si Ian, "Naaalala ko na ang lahat."

Natigilan ako.

"Ano daw? Naaalala na niya yung ano? Nangyari kahapon?" napasapo ako ng ulo, ang daldal ni Pia. "Eh, kahapon lang nangyari yun. Witness siya?"

Kinurot ko siya sa kanyang balikat. "AHHH!" sigaw niya, napalingon ang lahat sa gawi namin. Inis na bumaling siya ng tingin sa akin.

"Manahimik ka muna." Mariin kong sambit. Tinikom niya ang kanyang bibig kahit kita sa kanyang mukha ang inis dito habang hinihimas ang parte kung saan ko siya kinurot.

Matapos ng pangyayari iyon ay tinawag ni dad ang sekretarya niya. Buong magdamag ay awkward ang nangyayari. Palitan ng tingin ang nangyari sa amin. Nahihiyang tumingin sa amin si Ian, ngumiti naman ako.

Makalipas ng ilang minuto ay may dalang mga pagkain ang mga katulong na nakasunod sa sekretarya ni dad.

"Woah!" namamanghang sambit ni Pia, "May bitay ba bukas?"

Nanliliit ang mga matang tiningnan ko siya.

"Ano? Nagtatanong lang naman." nakanguso niyang sagot.

"Manahimik ka muna." Mariin kong bulong.

"Let's eat." Sabat ni dad.

Kumain kaming lahat, ngunit tahimik at walang nagsasalita ni isa sa amin. Katabi ko si Ian sa kanan habang nasa kaliwa si Pia.

"Psst." Tawag ni Pia, napalingon naman kaming parehas, "Hindi ikaw." Habang nakatutok ang paningin sa akin, inirapan ko na lang siya, "Ian, anong naalala mo at dito ka pa gumawa ng eksena." Sumubo siya, "Akala ko my shooting na nagaganap dito." Tiningnan ko muli ng masama si Pia.

Ang daldal talaga.

"I remember my past." Mahinang sambit ni Ian.

"Ha?" naguguluhang reaksyon ni Pia.

"How?" sabat ni Kuya Chris.

"This morning lang, Kuya."

"How?"

Bumaling ng tingin si Ian kay Kuya Chris, "Yesterday, when Kuya Ruis hold my wrist, that time I remember he is the guy who pulled me out at the fire incident."

Kumunot ang noo ko at tinitigan si Ian.

"Kuya Ruis was the one who get me and went to my dad, Jun Lee."

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon