Chapter 10

33 3 2
                                    

Cil's POV

Nang naka-uwi kami gaya ng aming nakasanayan ay dumeretso kami sa sala at naupo sa couch. Binuksan na lamang namin ang dim lights ng sala. Mga ilang minuto rin kaming tahimik. Pinakiramdaman ko muna siya kung kaya na niyang makipag-usap sa akin. Maya-maya sinimulan ko siyang kausapin.

"Pia." tawag ko sa kanya ng kalmado ngunit nakatingin ako sa T.V

"Bakit?" malungkot niyang sambit.

"Payong kaibigan lang." at bumuntong hininga. "I don't know the full story of what happened between the two of you but I guess, don't let that past put you down."

"Alam ko pero masakit, eh."

"What if try to divert your attention dun sa nangyari."

"Naiisip ko pa rin, eh."

"Wag mo kasing isipin, tanga."

"Huwaw! Maka-tanga naman. Tagos sa akin eh."

"Buti naman."bulong ko, binatukan niya naman ako bigla. Nakangiting nagpeace sign naman ako. "Pero seryoso ano ba kasing ikinalulungkot mo. Tapos na, ah. Nagpakita lang, na-iyak na kaagad."

"Gusto daw niyang makipag-balik." seryosong sabi ni Pia.

"What?!" sigaw ko at gulat na tiningnan siya.

"Same, ganyan din reaction ko." at ngumisi.

"Anong trip nun?" kunot-noo kong tanong.

"Ewan ko."seryoso niyang sagot.

"Don't mind him. Basta mag-move on ka na."

"Naka-move on na. Napapaisip lang."

"Weh? Yun ba talaga? Bakit ka umiyak?" sarkastiko kong tanong.

Inirapan lang ako at napabuntong hininga. "I am just thinking why all of a sudden gusto niya makipagbalikan sa akin, knowing that it's been a year." malungkot niyang sinabi.

"Wag mo ng isipin yung sinabi niya."

"Baka kasi he meant it talaga."

"Wag ka ng umasa. Wag na." mariin kong sabi. "Alam mo masyado ka ng nasaktan, wag ka magpaka-martyr."

Di siya sumagot.

"Ang rupok mo kasi, bro." mahinang sambit ko.

"Oi, narinig ko yun! Ang sakit ah!"

"Masakit kasi totoo."

"Oo na." inis na sabi niya

"Wag mo na kasing isipin yun. Sisipain talaga kita, kapag bumalik ka."

"Grabe, ang brutal mo."

"Brutal talaga. Medyo tanga ka kasi kaya naloloko ka."

"Ay, ang straightforward naman ngayon. Pwede bang mag-bagal ng kaunti."

"Para tumino na yang puso mo. Marami pang isda diyan--"

"Alam kong maraming isda. Napapalibutan tayo ng malalawak na anyong tubig."

"I mean lalaki. Marami pang lalaki diyan. Niliteral talaga, eh."

"Ang tagal naman kasi dumating ng 'forever' ko eh."

"Maghintay ka. Malay mo nasa tabi lang, naghihintay din."

"Pero ang tagal."

"Hoy! highschool ka pa lang. Matagal pa talaga." inis kong sagot. "Don't rush things because your job for now is to appreciate things second by second, minute by minute, hour by hour, day by day. That's how life is. Just enjoy what's been offered. Because regrets are the most frightening feeling in the world. Tandaan mo yan."

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon