Chapter 16

38 3 1
                                    

Ian's POV

Pagkatapos namin ligpitin ang mga pinagkainan namin ay pinagpatuloy namin ulit ang paggawa ng activity. Tahimik kaming gumawa. Napansin ko ang panay na paghikab niya.

"Wait lang, iidlip lang ako." biglang sabi ni Cil. Inayos niya ang working area niya, pagkatapos ay kinuha niya ang unan at pink fur blanket sa couch. Pagkatapos ay nahiga siya sa lapag, sa tabi ng center table.

Lumipas ang dalawang oras, natapos ko na ang gagawin ko at ginawa ko na rin ang hindi pa niya natapos sagutan. Sinubukan ko siyang gisingin pero walang sagot ang natanggap ko mula sa kanya.

"Cil," habang tinatapik siya. Walang sagot ang nakuha ko mula sa kanya. Napakamot ako ng ulo.

Anong gagawin ko? Sabi niya iidlip lang siya. Hayyy...

Napangiti naman ako dahil kita sa mukha niya ang pagkasarap ng kanyang tulog.

Inayos ko ang gamit ko at iniwan ang activity. Napagdesisyunan kong buhatin na lang siya at ihiga sa kama niya dahil malamig ang sahig, carpet lang kasi ang tanging sapin na hinihigaan niya. Di naman siya magkakasya sa couch.

Nang binuhat ko siya, di siya nagigising. Nangiti naman ako bigla dahil isinandal niya ang kanyang ulo sa kanang dibdib ko. Habang dahan-dahan ko siyang ihiga sa kanyang kama ay di sinasadyang hanginin ang kanyang bangs hanggang sa may napansin akong marka sa kanyang noo. Maliit lamang ito at di gaanong pansin kapag nasa malayo. Di ko namalayan na sobrang lapit pala ng mukha ko sa mukha niya kaya napaatras ako bigla.

*DUG* *DUG* *DUG*

Napahawak ako bigla sa aking dibdib habang pinanood lamang siyang matulog.

Matapos ko siyang kumutan ay tinalikuran niya lamang ako. Natawa naman ako ng tahimik. Napansin ko ang picture sa kanyang bed side table. Siya at isang matandang babae. Tiningnan ko ito ng mabuti. Pamilyar ang suot niyang brooch na nakakabit sa kaliwa niyang dibdib. Nakahulma ang brooch na isang bulaklak na may limang petals at kulay ginto.

Biglang may alaalang bumalik.

"Charles!" paulit-ulit na sambit ng matandang babae na may suot na 5 petal flower gold broche, pero malabo ang sa aking alaala ang mukha nito. Napapalibutan kami ng apoy at may pagitan sa amin na dalawang nag-aapuyang kahoy.

Mabilis kong binaba ang litrato bago pa ako mahilo ng sobra at dali-daling lumabas ng kwarto niya. Kinuha ang mga gamit ko, pinatay ang ilaw at umalis.

Pagdating sa unit ko ay naghilamos ako para mahimasmasan at tinawagan si mom.

"Hello..." inaantok na sambit ni mom.

"Mom," malungkot na sambit ko.

"Bakit, anak?" nag-aalala niyang tanong. "May problema ba?"

"Mom, may kilala ka bang Charles?" di nag-aalinlangang tanong.

"C-charles, anak?" nauutal niyang sagot.

"Opo, tsaka--" di ko natuloy ang sasabihin ko ng may biglang magsalitang ibang tao sa kabilang linya,

Si dad...

"Do you remember something?" seryosong dinig ko sa kabilang linya. Natigilan ako. "Answer me." nagtitimping sambit nito.

"I remembered something but its vague. The woman with a 5 petal flower gold brooch calling Charles. That's all I remember." diretso kong sagot.

"What triggers you to remember those things?"

Sasabihin ko ba yung tungkol sa nangyari sa akin kanina? Baka pagalitan na naman ako dahil kasama ko sila Cil at Pia...

"I saw a woman wearing a brooch in our apartment." mabilis kong sagot.

At least, it is half true. Phew...

"Is that all you remembered?" usisa niyang tanong.

"Yes, why po?" taka kong sabi.

"Nothing. Tell me if you remembered something again." utos niya.

"By the way, who is Charles?" diretso kong tanong.

"I don't know." matipid niyang sagot, "Sleep early." pagkatapos niyang sabihin iyon ay ibinaba na niyang linya.

Napatitig na lamang ako sa aking telepono.

Why do I feel something happened years back? Is there a secret behind the past that completes my whole identity?

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon