Chapter 4

43 3 0
                                    

Cil's POV

Tumunog ang orasan ko sa side table. It's 4:30AM. Agad akong bumangon at naligo. Nagising ako ng maaga para sa isang bagay na hinihintay ko. Nagmadali akong magbihis at naghanda. Suot ang uniporme, black cap at jacket bilang pantakip sa akin. Pupunta ako sa bahay ng mga kaaway ko dahil ngayon ang balik niya.

Pagbaba ko ng building ay tumawag ako ng taxi.

"South Empire Villa." mabilis kong sambit. Tumango ang driver at pumasok na ako sa likurang bahagi ng sasakyan..

Ngayon ang pagdating ng kaaway ko at kailangan kong malaman ang bawat kilos at galaw na nakapalibot sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating ako sa gate ay hinarang kami ng guard.

"Saan po kayo?" tanong ng guard.

Ibinaba ko naman ang bintana ng taxi at pinakita ang mukha ko. "Ma'am Kim." gulat niyang sambit. Kinuha ng guard ang ID ng driver at binigyan ng ID pass ang taxi driver pagkatapos ay nagpatuloy siyang magdrive.

"Kuya, dito na lang po." sambit ko. Bumaba ako sa tapat ng family house namin.

Inabot ko ang 200 pesos."Keep the change." at lumabas ng sasakyan.

Naglakad ako papunta sa High Empire Villa, kung nasan ang bahay ng mga Lee, ang pamilya ng mga kaaway ko. Connected ang daanan ng South Empire Villa at High Empire Villa kaya dito ako dumaan.

Nang makarating ako ay nagtago ako sa malapit na posteng may mga halamang nakapalibot. Maya-maya, may dumating na sasakyan. May lumabas na dalawang babae.

"Yeobo." sambit nito. Nanay ni Ian, Marissa Seo.

"Dad." sambit naman ng isang matangkad na babae. Jessie Marianne Lee, ang kapatid ni Ian Lee.

"Pasok na tayo." seryosong sambit ni Jun Lee, ang ama ni Ian. Pumasok sila sa bahay kasama ang mga body guards nila na nakasuot ng itim. Marami ang mga ito at mukhang mahihirapan akong pumasok ng bahay.

Kilala ko sila dahil dati pa ako nagmamasid sa kanila. Dalawang taon na ang nakakalipas. Sa tatlong taon, naging stalker ako at investigator. Nahirapan man pero kinaya at ipagpapatuloy ko ito for you mom.

Tahimik akong lumisan palayo sa kanilang bahay at nakarecieve ako ng text.

From: Bro.

Nasaan ka?

Di na ako nagreply at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating sa sakayan. Pumara ako ng taxi.

"Lim University." sambit ko.

Nagpatuloy lang si manong magdrive hanggang sa makarating ako sa eskuwelahan at nagbayad ako.

Pagdating ko sa classroom ay wala pang tao. Well, it's 6:30AM. Agad kong nilabas ang aking laptop at nagsimulang mag-type. Nilista ko ang mga pag-uusapan sa post-it ko para sa meeting mamaya.

Notes:

Book fair

-expenses

-sponsors

-approval for principal and admin

-rooms needed for activities

-activities

Isa-isang dumating ang mga kaklase ko. Syempre, nagsimulang maging maingay ang classroom as usual naman kapag dumating na sila.

"Bro!" sigaw ni Pia. Sa sobrang gulat ko ay napatingin ako kaagad sa pintuan.

Kasama niya si...

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon