Chapter 50

20 0 0
                                    

Chapter 50: She's Awake.

Cil's POV

Nagising ako sa sobrang liwanag na nanggagaling sa kisame. Inilibot ko ang paningin. Napangiti ako at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa parehong mata. Tinanggal ko ang bagay na nakakabit sa ilong ko.

Lumapit si Ian at hinawakan ang kamay ko. Kita sa mga mata niya ang pamamga nito. Mukhang iyak ng iyak itong lalaking ito. Sinubukan kong umupo ng maayos at inalalayan naman ako nito.

"Diba sinabi ko sayo, trust me." Ito ang unang linyang sinambit ko. "I will be fine."

Sumeryoso ang mukha niya. "I did that but my emotions don't hold that."

Ngumisi ako. "Okay, if you say so."

Umagaw ng pansin ko si Pia. Mugto ang mga mata rin. Mabagal siyang lumapit sa gawi namin.

"Bro, wag ka mag-drama. Di pa ako patay." bagot kong sambit.

"Ano?!" sumigaw si Pia. Tumawa ako ng patago pero napatakip din ng tenga dahil sa sobrang lakas ng boses niya. "Muntik ka ng mamatay!" Alam kong galit na siya pero nakakatuwa lang.

"I guess you forgot what I said. Trust." Kalmado kong sagot.

"Really?" sabat ni Kuya Chris.

"Tss." Bagot kong komento. Pero bigla akong natigilan, nang maalalal ko yung nangyari sa akin. "By the way, the one who attacked me adopted son ni Mr. Lee. I need to talk to him—" magsasalita na sana si Kuya Chris ngunit tinaas ko ang kamay ko senyas para mapatahimik siya. "Nothing more, nothing less. That fight is between me and that person."

"But—" sasabat n asana si Kuya Chris, pero tinitigan ko siya ng seryoso. Tinaas niya ang parehong kamay na para bang suko na siya. Tinitigan ko ang mga kapatid ko at si Kuya Chris.

"Pwede bang maiwan niyo kami. I need to talk to them." Seryoso kong sambit. Sinunod naman nila iyon.

Umupo si Kuya Romualdo sa tabi ng higaan ko samantalang nakabantay naman sa gilid si Kuya Leonardo. Si Kuya Chris naman nsa dulo ng higaan ko.

"It's better not to abuse yourself." Si Kuya Chris.

"That's right, Chelsea." Si Kuya Romualdo, nag-aaalala.

Ngumiti na lamang ako ng bagot. "Nah. I'm alright." Bumaling ako ng tingin kay Kuya Chris. "Who is he?"

"Brian Lee." Matipid niyang sagot, "Roze already knew their location early this morning."

"I need to talk to him... today." Pagmamatigas ko.

"Hell no." Si Kuya Leonardo. "Hindi kami papayag. Kakagising mo lang." nagtitimpi niyang sabat nito.

Bumuntong hininga ako. "Makakatakas siya kapag hindi tayo kumilos."

"Kami na ang bahala." Si Kuya Romualdo.

"How?" sabat kong tanong.

Lumapit si Kuya Leonardo at naramdaman ko ang pagbaba ng aking higaan. Kaya taka ko silang tiningnan.

"If you want us to trust you, then trust us." Si Kuya Chris. Natigilan ako sa sinabi niya. "It must be two-way." Dagdag niya.

Bumuntong hininga ako at pumikit. Pinag-isapan ang sinabi niya. Marahil mas magandang sila na ang umasikaso sa nangyari sa akin ngunit paano kapag may nangyaring masama sa kanila.

"I don't want anyone to get hurt." Mahinang sambit ko.

Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay sa ulo ko. Minulat ko ang mga mata ko at si Kuya Leonardo iyon. "We will not get hurt." Nakangiti nitong sambit.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon