Chapter 18: Unexpected.

40 3 1
                                    

Ian's POV

Lumipas ang mga oras at dumating ang linggo. Nandito ako ngayon sa family house namin.

Kahapon ay wala kaming masyadong pinag-usapan dahil tahimik lang siya. Kinabahan pa ako dahil baka nabastos ko ba siya sa ginawa ko. Di ko rin alam kung bakit ko ginawa iyon. Kusa na lang gumalaw ang katawan ko at gawin iyon. Ang cute pa niya lalo kapag nagugulat.

"Brother, nababaliw ka na ata." biro ni Ate Jessie. Natigilan naman ako. Nandito kami ngayon sa may garden, nakaupo. "Nangingiti mag-isa, psh." bumaling naman ako ng tingin sa kanya, umiinom siya ng watermelon smoothie, ang paborito niya.

"Parang ikaw rin naman dati ah." sabat ko, nasamid siya. Tumawa naman ako pero nabatukan naman ako bigla. Tumingin ako sa kanya ng masama.

"Wag mo na ipaalala yung bobong yon, kung ayaw mong masaktan." banta niya.

"Dati pa naman di na maganda ang trato ng ex mo sayo, pero minahal--" binatukan niya ulit ako. "Aray!" hinarap ko siya, "Alam mo ate, ang tagal na non."

"Matagal na pero mahirap kalimutan kasi nakatatak na." inis na sagot niya, naiwan naman akong nakatingin sa kanya. Bumuntong-hininga naman siya, "Hindi mo ako maintindihan kasi hindi mo pa nararanasan. Nababasa mo siya sa mga libro pero hindi sila sapat. Love can make you crazy... crazy as a wild boar roaming around the forest. But... you can be sweet as a dog that tends to move always near to its owner. However, both of them are finding satisfaction." malungkot niyang sambit.

"Ang lalim naman, ate." pabiro kong sambit. "Inasar ka lang, nag-drama ka na agad."

"Alam mo balang araw, maiintindihan mo rin ako. Mararanasan mong umiyak ng tuloy-tuloy walang tigil."

"Tch. Hindi naman ako katulad mo."

"Pero hindi malabong mangyari."

"Tch. Gutom lang yan, ate." tsaka ako kumain ng chocolate cake.

"Sabi nga nila, malalaman mo lang kapag naransan mo na." seryosong sabi niya bago uminom ng smoothie.

Tumahimik na lamang ako dahil di ko masyadong makayanan ang pagiging ma-drama niya. Maya-maya, biglang tinawag ako ng secretary ni dad at pinapapunta daw ako sa office niya. Bumuntong-hininga ako tsaka tumayo sa kinauupuan ko.

Jun Lee's Office.

*TOK* *TOK* *TOK*

"Come in." dining kong sambit niya. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa aking paningin si dad na nakatayong nakaharap sa bintana.

"Dad..." sambit ko. Humarap siya sa akin tsaka siya naglakad sa couch na nakapwesto sa harapan ng office table niya.

"Sit down." habang nakaturo sa upuang nasa kanan niya. Sumunod naman ako.

"Do you feel anything?" bigla niyang tanong, taka ko naman siyang tiningnan. "Ano pa naalala mo?"

"Y-yun lang po." nauutal kong sagot.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay walang nagsalita sa pagitan namin at tanging tunog ng aircon lang ang maririnig sa buong kwarto. Maya-maya, may tumunog. Kinuha ni dad ang telepono niya at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Anak, you can leave." mabilis niyang sambit. Sumunod naman ako pero bago ako makaalis ng kwarto ay may narinig akong pangalan.

"Ano yun, Leonardo?" sambit ng aking ama sa kabilang linya.

Leornardo?



Cil's POV

Kasalukuyan hinahatid ako ni dad pabalik ng apartment. Bumisita ako ngayon sa bahay at tinutupad din ang pangako ko.

"Anak, okay ka lang ba sa school?" nag-aalalang sambit nito.

"Oo naman po, dad." masayang sambit nito.

"Anong plano mo pala, anak? Malapit ka nang mag-college. Any plans?" nakangiting tanong niya.

Natigilan ako. Nakatingin ako kay dad na nakangiting nagd-drive. Ano bang plano ko? I've been stuck for years and the only thought of revenge is my priority.

"Anak..." narinig kong sambit ni dad, malungkot ang tono.

"Oh, dad. Hahahaha." pinilit ko ang sariling maging masaya, "still thinking, but I think at the end of this year, meron na akong napili. I just need time."

"Ganun ba, anak? Just think I am always here to support you. Your mom will be happy whatever decision you make."

Nalungkot ako bigla at napatingin sa kalsada. Mom... Naramdaman ko bigla ang kamay ni dad sa ulo ko.

"Everything happens for a reason, anak. Even though, wala na ang mommy mo, nandito pa naman ako, pati kuya mo. So don't be so sad." dagdag niya.

"Thanks, dad." huling sinabi ko at pumikit. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Apartment.

Nagising ako sa loob ng sasakyan. Lumingon ako at nakita ko si dad na nasa labas ng sasakyan at may kausap. Bumaba naman ako.

"Sige, anak. Titingnan ko." tsaka niya binaba ang telepono. Paglingon niya ay ngumiti siya. "Gising ka na pala."

Ngumiti naman ako at niyakap siya. "Thanks, dad." lumayo ako sa pagkakayakap, "Una na po ako."

"Ganun ba? Hindi mo lang ba ako papasukin sa unit mo."

Natawa naman ako at umiling. "Next time, dad."

"Sige na nga. Hindi na ako mangungulit."

"Thanks, dad." nakangiting sambit niya. Pinauna na niya akong pumasok bago siya umalis.

Pagbaba ng elevator ay saktong nakita ko si Pia na nagbubukas ng pintuan ng unit namin. Tumakbo ako palapit sa kanya.

"Oh, bro, ang bilis mo naman umuwi." bungad niya, tsaka nabuksan ang pintuan at pumasok kami.

"Wala naman akong gagawin doon. Tsaka, I am just following my promise." nakangiti kong sagot.

Umupo kami sa couch at pinatong namin ang parehong ulo sa sandalan ng couch.

"Kamusta?" bungad kong tanong.

"Eto, maingay ang bahay. Nandoon kaming lahat, eh." natatawang sagot niya. Natawa naman din ako.

"Ano pa bang bago." nakangiting kumento ko.

"Ang sabi nga ni mom, nakakapanibago daw noong nawala ako sa bahay." humarap siya sa akin, "si dad at ate na lang daw ang nagsasagutan. Wala na daw kakampi si dad..." pumikit ako at pinakinggan siya.

Buong magdamag nagkwento siya sa nangyari at ako ang taga-pakinig. Hayy...

Nang matapos siya magkwento ay tinawag ako bigla ng kalikasan. "Wait, C.R lang ako." paalam ko. Tumango naman siya.

Pagpasok ko ng banyo ay tsaka ko lang binuksan ang ilaw. Paglingon ko ay nanginig bigla ang aking buong katawan at umaatras ang naramdaman kong pangangailangan. May nakasulat sa salamin, ang gamit ay pulang tinta.

It's not too late to tell the truth.

"Ahh!!!" dinig kong sigaw, agad akong napakaripas ng takbo papunta kung saan nanggagaling iyon. Nahanap ko si Pia sa kanyang kwarto at tiningnan kung saan siya nakatingin. Mayroong kulay itim na kahon sa sahig, unti-unti akong lumapit upang pansinin kung anong laman niyon. Natigilan ako. Isang puting ibon na patay. Dugu-duguan ito. Hindi ako makakilos.

May nakapasok. Sino 'yon?!

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon