Chapter 20

32 1 2
                                    

Pin's POV

I am Leign Pin Gonzales, beautiful sister of Pia. Huwag niyo ng masamain, minsan lang magmaganda. Hehehehe. Kasalukuyang nasa kwarto ako ni Pia, tulala. Di ko akalain na mangyayari ito sa kapatid ko.

"Ate?" tawag ni Pia sa akin.

"H-huh? Bakit may masakit ba?" nag-aalala kong tanong.

"Wala po." sabi niya sa akin ng malamya. "Ate, may gusto ka sa kuya ni Cil noh?"

"H-ha? W-wala." nauutal kong sagot.

"Weh?" nang-aasar na tono niyang sambit.

"Oo nga."

"Ang gwapo at mabait naman kasi kaya 'di talaga ako magkakamali kung mafafall ka."

"Wala akong gusto sa kanya. Okay."

"Weh? Natulala ka kaya."

"Na-gwapuhan lang."

"Ayun naamin din." sabi niya, "So, may gusto ka nga." biglang tanong niya

"Hindi sa lahat ng bagay kapag na-gwapuhan magugustuhan kaagad."

"Tsk."

"Eh, ikaw." tapos tumingin ako kay Pia ng nakangisi. "Grabe tingin mo noong nagyakapan yung dalawa, eh." asar kong sambit sa kanya.

"Ano naman ang problema sa tingin ko?" mataray niyang sagot.

"Yung tingin na." malokong tiningnan ko siya at kumanta "'Akin ka na lang, akin ka na lang' "

"What the-- ate." inis niyang sagot.

"Alam mo di mo rin ako maloloko."

"Wala, ate."

"Tsk. Tsk. Tsk." pailing-iling kong sambit at nag-cross arms.

"Wala naman kasi talaga, ate. Sa kamay ako ni Cil nakatingin." napabuntong hininga siya. "Naiinis ako sa sarili ko. Wala kasi akong nagawa kanina. Siya yung nakipaglaban dun sa lalaki. Ate, mag-isa." pahina-hina niyang sambit, pagkatapos ay nagsimulang may tumulong luha sa mata niya. Dali-dali naman akong niyakap siya.

"Patunay lang na may care si Cil for you." sabi ko habang hinahaplos ang ulo niya.

"Ate, ang tapang niya nung nakaharap namin yung lalaki pero pagkatapos ng nangyari nakita ko yung kamay niya na nanginginig. Ate, takot rin siya at kinabahan." malungkot niyang sambit habang umiiyak pa rin." Pero di ko siya nakilala nung nakipaglaban siya. Kakaiba. Praktisado ang kilos, Ate. Ang alam ko lang nag-aral siya ng self-defense lessons pero bakit iba yung dating niya nung nakipaglaban." at inilayo ang sarili mula sa akin.

"Di ko alam, Pia. Di ko nakita." napabuntong hininga siya." Baka ganun talaga kapag nag-aral ng self-defense lessons."

Umiling siya. "Ate, iba. Parang..." napatigil siya.

"Parang ano?"

Umiling siya ulit. "Di ko alam kung tama ba yung word."

"Ano nga yun? Paligoy-ligoy pa, di na lang sabihin ng diretso. Tch." tiningnan niya ako ng masama, nanahimik naman ako bigla.

Bumuntong hininga siya. "Parang kaya niyang pumatay ng tao."

"HA!" napasigaw ako, pinalo naman niya ako bigla sa balikat. "Aray!"

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon