Chapter 12

46 3 1
                                    

Cil's POV

Lim University.6PM.

Pagkatapos ng meeeting para sa campus tour ng freshman students ay dumiretso ako sa bahay ng mga Lee para mag-matyag. Dahil yung Josh na kinausap ako mukhang kilala ko.

***FLASHBACK***

Canteen.

Pagkatapos akong akbayan ni Josh ay may nahulog. Mabilis ko iyong tinapakan. Umalis siyang nakangiti. Nagmadali akong kumain para makita ko ang nahulog. Mabilis kong kinuha ang gamit ko. Mabilis ko ring pinulot ang nahulog ni Josh at siniksik sa libro.

Pumunta ako ng banyo para tingnan ito.

Joshua Han Choi

Picture at pangalan niya lang ang nakalagay sa harap. May bar code din sa baba ng ID. Habang ang likod naman nito ay nanatiling blanko. Napaisip ako bigla.

"Sercets are always found in dark areas, Euna." nakangiting sambit ni Dad

Pumasok ako sa isang cubicle at ipinangtaklob ang jacket ko tsaka ko inilabas ang ID.

Map papunta ito sa bahay ng mga Lee, ah. There is happening...

***END OF FLASHBACK***

Lee's House.

Inabaangan ko ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa loob ng bahay ng mga Lee.

7PM.

*BEEP* *BEEP*

Napalingon ako. Nakita ko ang isang itim na sasakyan. Bumaba ang mga tao sakay nito. Nakasuot sila ng mga casual lang na suot. Ngunit sumagi sa paningin ko si Josh.

Tch. Sabi na, eh, pero sino kayo?

Umalis ako sa lugar ng tahimik at walang nakakakita sa akin.

Sumakay ako ng taxi at bumaba sa tapat ng school. Nagsimula akong maglakad pauwi ng mapansin kong may patawid na isang bata at sakto namang may padaang sasakyan. Dali-dali akong tumakbo papunta sa bata, niyakap ito at tumalon paalis sa kalsada. Nakaramdam ako ng manhid at hapdi sa bandang kaliwang braso ko pero mas inuna ko paring kamusatahin ang bata.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong ko.

Tumango lamang siya pero ramdam ko ang gulat na nadadama niya. Niyakap ko ito at hinagod ang likuran. Sakto namang dumating ang nanay nito.

"Anak," pagtapos ay bumaling siya ng tingin sa akin, "hija, maraming salamat."

Ngumiti naman ako. "No problem po. Sige po, mauuna na po ako."

"Ay, sandali lang, hija," napalingon ako, may kinukuha siya sa kanyang bag,

"Hindi na po. Nagmamadali na po ako. Pasensya po." mabilis kong sambit at tumawid papuntang apartment. Sakto naman pagkatawid ko ay nakita ko si Ian na ikinagulat ko.

Bakit ka nandito?

HIndi ko na siya pinansin at pumasok na lang dahil masakit na kaliwang braso ko. Ngunit bigla akong hinawakan ni Ian sa braso ko kaya galit akong lumingon sa kaniya.

"Ano ba?!" inis ko ng sabi at tsaka inalis ang braso ko sa pagkakahawak niya. Tiningnan ko naman ang braso ko. Shit! May dugo.

"Are you alright?" tanong niya.

Taka ko siyang tiningnan. Seryoso ba siya? May sugat na nga, 'Are you alright' ang tanong. Too funny.

"I mean--" magsasalita na sana siya pero pinigilan ko ito. Nakatitig siya sa sugat ko.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon