Chapter 19

42 3 2
                                    


Cil's POV

Lumipas ang tatlong araw, matapos ang nangyaring di namin inaasahan. Napag-usapan namin ni Pia na huwag muna itong ipasabi tutal wala namang nawalang gamit sa unit namin. Tanging iyon lamang ang ginawa at malaking pasasalamat na rin iyon.

Sa tatlong araw, kapansin-pansin ang pagiging mapagpanggap ni Pia. Buti hindi napapansin ni Ian. Sobrang masiyahin pero parang pilit lahat ng ginagawa niya.

Pagkatapos ng klase ay umuwi rin kami kasabay si Ian. Nagpaalam kami kay Ian bago pumasok sa unit namin. Dumiretso si Pia sa kwarto at naiwan naman ako sa sala, nakaupo.

Maya-maya, biglang sumigaw si Pia. Agad akong nagpunta sa kwarto niya at nakita ko ang taong naka-itim ang buong kasuotan ngunit nakatalikod siya sa amin. Nakabukas na ang ilaw sa kwarto ni Pia.

"Pia, dito ka sa likod ko!" utos kong sigaw at sinunod naman ni Pia ito.

"Hey! Who are you?!" sigaw ko sa lalaki habang siya ay nakatalikod sa amin at di kumikibo.

"Who are you?!" ulit kong sigaw.

"Pia, call some help." bulong ko sa kanya at nang hindi inaalis ang paningin sa lalaki ay binigay ang telepono kong nakalagay sa likurang bulsa ng pantalon ko.

"Cil, calm down." sabi ng lalaking nakaitim. Natigilan ako.

Kilala niya ako?

"What the hell?! Answer me!" sigaw ko ulit.

"You already know me." At agad siyang kumilos para makatakas pero dahil nakaharang kami sa pinto. Sinalubong ko ito at tinulak si Pia papalayo sa amin para di siya masaktan kung ano man ang gagawin ng lalaki.

"Where are you going?" I calmly said at ngumisi.

Di siya sumagot at sumuntok ito. Umatras ako para maka-iwas. Tatakbo sana siya nang patirin ko siya gamit ang kanan kong paa kasabay ang pagsuntok ko sa mukha niya. Saktong napadapa siya sa harap ko kaya naman ay tinapakan ko ang likuran niya. Mabilis kong dinampot ang vase malapit sa pinto ng kwarto ni Pia at malakas na pinukpok sa ulo niya dahilan para mawalan siya ng malay.

Tinanggal ko ang kanyang itim na mask at tiningnan siya ng maigi ngunit di ko siya makilala. Sino ka? Kumuha ako ng tali, na ginamit namin noong naglipat kami, para taliin ang mga kamay at paa niya. Piniringan ko rin siya gamit ang panyo ko. Kinapkapan ko siya para malaman kung may dala ba siyang kahit ano pero wala akong nahanap. Ngunit may napansin akong nakasulat sa kanyang kanang kamay sa may bandang pulso, na isang chinese character (王). Wang? Matapos nun ay pinuntahan ko si Pia.

<<Note: (王) Wáng in Mandarin Chinese Language. Its meaning is king. It's also a surname.>>

"Pia, tumawag ka na ba sa pulis?"

Nanginginig na umiling lang ito at umiyak. Kinuha ko na lang ang telepono sa kanya at tumawag ng pulis. Tinawagan ko rin ang ilang mga guard sa floor namin para puntahan kami sa unit namin at pinaalam ang nangyari. Nakarating naman kaagad sila at binantayan ang lalaking sumugod sa unit namin hanggang makarating ang mga pulis. Tinawagan ko rin si Ate Pin para ipaalam ang nangyari at sabi niya papunta na rin daw siya.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang landlord at pulis sa unit namin. Dinala na ang lalaki sa presinto. Ang dami namang tinanong sa akin dahil di naman makausap ng maayos si Pia. Panay kasi ang pag-iyak. Buong nangyari ay pinapakalma ko ang aking sarili at di hinahayaang kabahan ng sobra pero kita pa rin sa kamay ko ang panginginig.

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon