Chapter 36

37 2 2
                                    

Cil's POV

"Bro!" sigaw ni Pia.

Napabangon ako kaagad pero tumama kasabay nito ang sakit ng ulo ko. Dinilat ko ang mga mata ko at kita ko si Pia na nakatayo sa harapan ko at naka-crossed arms. Nakasuot na rin siya ng uniporme.

"May pasok pa tayo." sambit ni Pia.

Agad akong napatingin sa orasan at kita ko. 6:20AM! Dali-dali ako pumunta ng banyo at naghanda.

Shit! Anong ginawa ko? Anong nangyari kagabi? Aish--

Paglabas ko ng banyo wala na si Pia sa kwarto ko. Nakita ko naman sa table ko, may nakahanda na pagkain. Egg and ham sandwich at kape. Kinain ko ito ng mabilis at dali-daling lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko nakita ko si Tristan, Robin, at Ian sa sala. Gulat ko silang tiningnan.

Bakit sila nandito? Anong nangyayari?!

"Sister!" masayang tawag ni Kuya, tsaka lumapit sa akin. "Okay ka lang?"

"B-bakit sila n-nandito?" nauutal kong tanong.

"Sister, wala ka bang natatandaan?" taka niyang tanong.

Pumikit ako.

Sleep over!

Please. Ngumuso at nagpacute.

Dumilat ako.

Hoy! Ikaw! Gwapo ka sana kaya lang di kita type.

I like you too...

Nanlambot bigla ang mga tuhod ko at napaluhod. Kanino ko iyon sinabi. Tanga, Cil.

"Sister, may masakit ba?" nag-aalalang sambit ni Kuya habang inaalalayan ako.

Umiling ako. "Wala akong maalala." malungkot at mahina kong sambit.

Tumawa siya. "Okay lang. Baka ikahiya mo yung sinabi mo kagabi." nakangiting sambit niya.

Anong ginawa ko?

"Pia!" sigaw ko. Nagmamadali naman siyang lumapit sa akin habang may hawak ng tubig.

"B-bakit?" habang umiinom

"Ikwento mo sa akin. Pagkatapos ng klase." seryoso kong sambit.

"S-sigurado ka?"

Tumango ako at tumayo. "Let's go. Pumasok na tayo." at nangunang umalis.

Aish-- Bakit sila nandito?

Buong biyahe ay nakatingin lang ako sa labas at napapaisip. Pinilit kong magbasa ng mga aralin pero walang pumapasok.

Hanggang sa klase, tulala at malayo ang iniisip.

Pucha! Ano bang ginawa ko?

Natapos ang araw ng klase na wala man lang akong naintindihan ni isa sa mga tinuro ng teacher ko. Kailangan ko tuloy mag-aral ngayong gabi.

"Class dismiss." sabi ng teacher namin. Ang mga salitang ayaw ko dati, gusto ko na ngayon.

"Pia." sambit ko habang naka-upo pa rin at pinapanood ang isa-isang pag-alis ng mga kaklase ko.

"B-bakit?"

"Spill."

Bumuntong hininga siya at nagsimulang magsalita. "Bakit ba ang seryoso mo? Alam mo ikaw nagyaya tapos di mo pala kaya."

I Missed YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon