CHAPTER 40 – Great News
Red was so worried when he arrived at the hospital’s emergency room. Sinalubong siya ni Pia.
“Where’s Kate? How is she?” tanong agad ni Red.
“She’s fine. She is just resting now. The doctors just needs some more confirmatory tests and she’s good to go.” Sagot naman ni Pia.
Patuloy pa rin na nangangamba si Red sa kondisyon ng asawa. Nasa opisina siya nang tinawagan siya ni Pia na dinala nila sa ospital si Kate dahil nahimatay ito habang nag-mi-meeting sila. Agad siyang pumunta dito sa ospital. The dread and worry he felt was so overwhelming. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung may malalang kondisyon ang asawa.
In a few seconds, lumapit ang doctor kay Pia.
“Are you the one accompanying Ms. Buenavista?” tanong ng duktor.
“Yes doc, and he is the husband.” Tinuro ni Pia si Red.
“Wonderful. I have good news.” Nag-pause ang duktor. “Ms. Buenavista is pregnant. We are suspecting about six weeks, but we have to confirm that with an ultrasound which one of our doctors is doing now.” Natulala si Pia at si Red. “She needs to rest a little then she’s good to go. The on-duty OB though has to make some prescription for her and you can take her home.” Hindi pa rin makasagot ang dalawa. “I can see you both are pleased with the news. Sige po at marami pa akong pasyente.” With that the doctor left and proceeded to see other patients.
“Congratulations.” Saad ni Pia nang natauhan na ito. Nakangiti. Masaya para sa kaibigan. Pero, hindi siya sigurado kung magugustuhan ito ni Kate.
“Pia, tatay na ako!” biglang sumigaw si Red. “I’m going to be a father!” sumigaw ulit si Red making the people at the emergency room look at him in amusement. “Pia, I’m so happy!” niyakap ni Red si Pia. Kulang na lang ay mag-dance of joy ang lalaki.
In a few more minutes, lumapit na sa dalawa ang nurse at sinabing pwede nang puntahan si Kate. Mahimbing itong natutulog kaya’t hindi na muna ito ginising ng dalawa. Napag-isipan nilang ayusin na ang mga babayarin at bumili na muna ng mga gamot na ni-reseta ng OB bago gisingin si Kate.
Pagbalik ng dalawa ay gising na si Kate. Nandoon din yung duktor na kausap nina Pia at Red kanina. Nakakunot noo si Kate. Nakatingin kay Red. Si Red naman ay hanggang tenga ang ngiti na hinalikan sa pisngi si Kate.
“Feeling better Babe?” bulong ni Red sa tenga ni Kate.
“Shut up.” Pabulong rin na sagot ni Kate pero punong-puno ng inis ang tono.
“Okay,” nagsimula na ang duktor habang tinitingnan ang mga dokumentong inabot dito ni Pia. “It seems everything is in order. Pwede nyo nang iuwi si Ms. Buenavista. Just let her rest today and in the next three days and she will be fine.”
Inalalayan na ni Pia si Kate na tumayo. Si Red naman ngayon ang kausap ng doctor.
“Thank you doc. I’m the happiest man alive.” Saad nito sa duktor.
“Of course, I could imagine.” The doctor shaked Red’s hands in congratulations habang isinakay na si Kate sa isang wheelchair para mailabas na sa ospital. Sumunod na si Red.
Hindi umiimik si Kate sa buong trip nila pauwi sa La Vista. Kahit ang daldal ni Red talking about the wedding and his plan for the baby, hindi nakikinig si Kate. Her thoughts were else where.
Pagdating sa mansion ng mga Buenavista agad nilang pinutahan ang kwarto ni Gramps at ibinalita ang pagbubuntis ni Kate.
“Congratulations hijo! That really great news. Alam na ba ni kumpadre?”
“Opo Gramps. Naibalita ko na on our way here.”
“Magaling! Tuloy na tuloy na tayo sa Sabado hijo.”
“Opo Gramps. Bukas tayo naka-schedule pumunta sa Tagaytay.” Patuloy na nag-uusap ang matanda at si Red, oblivious to the presence of Kate. Napansin ni Gramps ang katahimikan ni Kate.
“Hija?” tinawag ni Gramps si Kate na ngayon ay nakaupo lang sa isang conversation table sa tabi ng picture windows that look into the garden.
“Gramps.” Sumagot si Kate. Tumayo at pumunta sa tabi ng kama ni Gramps.
“Magiging ina ka na. Hindi ka dapat laging parang nalulungkot.” Hinawakan ni Gramps ang kamay ni Kate.
“Hindi naman po ako nalulungkot Gramps. I’m just not feeling well.” Sagot ni Kate na nakangiti sa lolo niya.
“Huwag ka nang masyadong magpapagod. Mahirap na. Dapat alagaan mo na ang iyong sarili. At ang iyong pag-inom itigil na ha.” Sunod-sunod ang pangaral ni Gramps.
“Gramps, aakyat nap o kami para makapahinga na si Kate.” Sabi ni Red.
“Mabuti pa nga hijo. Bukas maaga pa tayo pupunta ng Tagaytay para sa kasal.”
“Opo Gramps.” And with that sabay nang umalis ang dalawa. Sobrang saya naman si Gramps.
Salamat Panginoon at dininig mo ang aking panalangin. Magiging maayos na ang aking apo.
Panatag ang loob na nakatulog ng mahimbing si Gramps.
+++++
CHOCOSHINE'S NOOK:
Sunday update! Pasensya na sa tagal ng update. Internet connectivity problems + windows 8.1 bugs = slow update. Buti na lang naayos agad.
Salamat sa patuloy na pag-aabang mga readers. Patuloy pa rin akong nai-inspire sa pag-akyat ng readership ng story na ito kahit naka-restricted ang rating.
This week was really very depressing for me. 3 nights akong nasa inuman sa inis ko kay PNoy dahil sa nangyari sa ating mga elite peace officers na mga SAF. Sana magkaroon ng hustisya ang pagkamatay nila.
Dedication time: Ang chappie na ito ay dedicated sa follower kong si @wattybebey. Salamat po sa pag-follow.
Kahit magulo ang mundong ibabaw, huwag nating kalimutan na may Dios na lagi nating gabay.
Love. Love. Love.
*chocoshine*
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
General FictionKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...