CHAPTER 48 – Coldness Follows
Kate opened her eyes not really wanting to wake up. The sun was already high up meaning tanghali na ngunit ayaw pa rin niyang bumangon. May naramdaman siyang humihila sa kumot na bumabalot sa kanya. Whoever it was, was giggling like crazy. Kilala niya ang tawang iyon.
“Ken honey, Mama is still sleepy.” Umunat si Kate. Tsaka lamang niya naramdaman na may tao sa kwarto.
“Ah… Ms. Kate…” si Manang Inday. Nasa Ayala Heights pala siya. Nasa bahay ni Red.
“Manang…” hindi pa rin tumayo si Kate.
“Tanghali na po. Lunch time na.” saad ng matanda.
“Lunch time na?” napaupo bigla si Kate. “Nasaan si Red?”
“Kanina pa po umalis papuntang opisina.”
“Ah o sige, bababa na ako. Paki dala na rin kay Ken para makapaghanda ako.” Kinarga na ni Manang ang bata tsaka ito umalis sa kwarto.
Shit! Wala pa talaga siyang gana. Naililibing pa lang kahapon si Gramps. Wala pa rin siyang lakas lumabas o kahit na kumain. Humiga siyang muli, ngunit hindi na siya madalaw ng antok.
Tumayo siya at bumaba. Nandito na sila ni Ken sa bahay ni Red sa Ayala Heights. It was still the same as she remembered. White washed minimalist ang theme. Dapat dumerecho na siya sa hapag-kainan ngunit sa halip na puntahan ang hapag ay dumerecho ito sa den ng bahay ni Red. Kumuha ng baso at naglagay ng vodka. Ininom ito at agad niyang naramdaman ang relief sa kanyang lalamunan.
Bumalik sa kanya ang eksena kahapon sa libing ni Gramps. Katabi ng puntod ng lola niya ang nitso ni Gramps. Hinintay niya pa hanggang maisarado ang nitso ng hollow blocks at semento habang patuloy ang pag-iyak. Halos ayaw na niyang umalis sa puntod ngunit sinundo siya ni Red.
“Tayo na. Hindi mabubuhay si Gramps ng iyong pag-iiyak.” Malamig na saad ni Red. HInawakan siya nito sa siko upang alalayan. Medyo nanghihina kasi siya at halata ito sa kanyang paglakad.
Nang marating nila ang kotse na dinadrive ni Abe, Red paused and faced Kate.
“Sa Ayala Heights muna kayo titira ni Ken habang inaayos ang bahay sa La Vista. Mabuti na yan para maasikaso ko kayo while Ken’s room is also being fixed.” Tumango lang si Kate sa sinabi ng lalaki. Yun lang at tumalikod na ito at tinungo ang sariling kotse.
Kaya’t ngayon nandito na siya sa Ayala Heights, tuliro pa rin. Masakit pa rin ang kalooban. In five more shots of the alcoholic liquid, she immediately passed out on the sofa.
Nagising na lamang siya nang may tumatapik sa kanyang braso. “Gising na.” sabi ng isang pamilyar na boses.
“Ungghhh..” umungol si Kate sa sakit ng kanyang ulo. Madilim na ang paligid. Gabi na yata.
“Gumising ka na. Let’s have dinner. Hinahanap ka na ni Ken.” Si Red ang gumising sa kanya. Umupo si Kate. May inabot si Red sa kanyang juice at gamot. “Take it. It will make you feel better.” Saad ng lalaki. “I will wait for you at the dining table. Huwag kang magpapakita kay Ken na lasing ka.” Malamig na saad ng lalaki.
Ilang minute pa ay sumunod na si Kate kay Red. Nandoon na si Ken, nakaupo sa high chair at mag-isa nang sumusubo ng mashed squash na hinanda ni Manang Inday. Inaalalayan pa rin naman ng yayang si Tonet ang bata kaya’t humupa naman ang pagaalangan ni Kate sa independence ng anak.
Umupo si Kate sa kanan ni Red. Walang nakahandang plato sa tabi ni Red. Napansin ni Red ang pagtataka ni Kate.
“You sit on the other end of the table.” Tiningnan ni Kate at doon nga nakahanda ang plato at kubyertos niya. Sa kabiserang nakaharap kay Red. Nagulat siya dahil si Ken ay katabi lamang ng asawa, sa kaliwa nito. Hindi na ito binigyan pa ni Kate ng kahulugan. Bagkus ay pumunta na ito sa dulo ng mesa at sinimulan na ang paghigop ng sabaw.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
Ficción GeneralKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...