CHAPTER 21: Selosa
Lintik na babae yan talaga! Binabaan pa ako ng telepono.
Lalong uminit ang ulo ni Red. He is known for his coolness and discipline. Pero bakit ba pag tungkol kay Kate apektadong apektado siya?
Bakit pa ba siya binibigyan ng bulaklak ng mistisong unggoy na ‘yun?
Hindi pa ba talaga kayo tapos Kate?
Eh ano ba naman sa kanya kung hindi pa ito tapos? Di ba sabi niya kay Kate ang importante ay mairaos nila ang kasal and they can live their lives as they want to?
He suddenly felt regret in saying that to Kate. Parang gusto na niyang bawiin ang sinabi. Bakit ngayon, thinking of the future, parang hindi niya kayang pagbigyan ito kung mamumuhay itong nagmamahal ng iba?
Naibaling ni Red ang tingin sa mga larawan na nakapatong sa office desk niya.
Shit talaga! Kitang-kita sa larawan na hindi tinanggap ni Nigel ang sing-sing.
Solve na yung problema niya kay Kate kahapon. Pero pahamak talaga ang Nigel na yan. Sisirain pa ang pinaghirapan niya these past days. Ito namang fiancée niya pinagtatanggol pa ito.
Ang saya at confidence na naramdaman ni Red kahapon ay para na naming isang lobo na unti-unting nade-deflate.
Tok, tok, tok… May kumatok sa pinto ng opisina ni Red. Nainis si Red, wala siya sa mood makipag-usap kahit kanino ngayon. Bumukas bahagya ang pinto.
“Sir,” Si Roland, ang executive assistant niya.
“What!” may bulyaw na sagot ni Red.
“Sir, nadownload ko na po yung interview.” Dala dala ni Roland ang Samsung Tablet ni Red. Dahan-dahang nilapag ito sa desk.
“Napanood mo ba?!” pasigaw na tanong ni Red. Nagulat si Roland sa boses ni Red.
“Ah sir… opo sir…”
“Anong sabi?”
“Mas maganda Sir panoorin ‘nyo na lang.”
Pinanood na nga ni Red ang video. Pagkatapos ay may tinawagan ito.
“Roland, clear up my 6:00, may meeting ako sa Meridien.”
“Okay sir, do you need a reservation?”
“Yes, tawagan mo na. Reservation for two.”
**
In the late afternoon, around 5:00 PM, nagkitang muli sina Dax, Kent at Pia upang ipagpatuloy ang naudlot na meeting tungkol sa bridal gown. Halos tapos tinatapos na ang gowns ng entourage kaya’t sobrang pressure na para kay Kent ang sitwasyon. Kate and Red’s wedding is just 12 days away.
Pinag-usapan na nila agad ang gown habang naghihintay ng order sa The Med Grill. Kate seemed distracted. Napansin agad ito ng bestfriend na si Pia.
“Kate, ano ba ang nasa isip mo at parang nasa ibang planeta ka na naman?”
“I don’t know Bes, parang ayaw ko nang ituloy ang kasal.”
“Ano ka ba naman Kate, twice engaged na kayo ah. You even said yes last night.” Naikwento na ni Kate kay Pia ang nangyari sa Tagaytay.
“I know, pero ginugulo kasi ako ng sinabi ni Dee sa interview. Tapos pati si Nigel alam yung deal.”
“Eh bakit kasi umo-o kagabi kung di ka pa rin pala sigurado?”
“Uy, ano yang pinag-uusapan ‘nyo?” tanong ni Kent. “Hindi pa ba tapos yang issue na yan?”
“Hay naku Kent, hindi pa. Etong bride natin nag-iinarte.”
“Naku gurl… wag kang ganyan… Millions na ang ginastos ni Papa Red dito sa kasal na ito. Mage-epic fail lang dahil sa pag-kakapricho mo.” Pinangaralan ito ni Dax.
“Eh di ba Dax, napanood mo naman yung interview, parang hindi naman bibitawan ni Red si Dee eh.”
“Ano ka ba namang babae ka, arranged marrraige ang kasal ‘nyo. Bakit ka pa mage-expect ng katinuan sa relasyon nyo ni Papa Red. Ang importante ang datung! Gamitin ang coconut Kate!.” Nagulat si Kate sa sinabi ni Dax. Parang may alam din ito sa business deal.
“Bakit sa tingin mo ba totoong negosyo lang ang puno’t dulo nito?” hindi napigilan ni Kate na magtanong.
“It’s all over the papers Kate.” Halos pabulong na sagot naman ni Kent. Parang biglang nahilo si Kate sa narinig. “Ah, dala ko nga pala ang dyaryo… wait lang.” may kinuha si Pia sa brief case niya at inilabas ito at nilapag sa mesa upang kitang kita ang front page nito.
Tycoon’s Daughter’s wedding to Construction Magnate Scion A Business Deal
Title pa lang ng article swak na sa kwento. Kahit di na niya basahin alam na niya ang laman. Lalong nanlumo si Kate. Isa ang article sa mga news reports na nasa baba ng headline story.
So ang date pala nila ni Red kahapon pati ang engagement palabas lang lahat. Baka pati ang sakit ni Gramps gawa-gawa lang. Kaya pala nakakapag-golf pa ito kahit sinasabing may sakit ito.
Gustong sumigaw ni Kate. Punyeta talaga yang Red na ‘yan. Sinungaling.
Ngunit nanatiling tahimik ang dalaga.
Naramdaman ng mga kaibigan ni Kate ang tuluyang panlulumo ng kalooban nito.
Tinawag ni Kate ang waiter at binigyan ng dalawang libo.
“Bill out na kami.” Sabi ni Kate sa waiter. “Tapos na ang dinner. Kunin ‘nyo na lang yung sukli. Tara na Pia.”
Hinablot ni Kate ang kamay ni Pia at hinila na ito sa malapit lang na One World Bar. Kapitbahay lang ito ng The Med Grill.
BINABASA MO ANG
The Reluctant Bride (Completed)
Ficción GeneralKate had her life cut-out for her. After her parent's death, she was raised by her controlling grandfather. She tried her best to be obedient which lead to early successes in her life. But the latest of his grandfather's wishes really makes her wa...