CHAPTER 23: Respeto Lang

3.5K 63 2
                                    

CHAPTER 23:  Respeto Lang

The two proceeded to take the trip to La Vista in silence.  Natigil na rin ang luha ni Kate sa pagdaloy pero ang sakit na nararamdaman continue to be raw, eating up the insides of Kate like maggots in her heart.

“Itigil na natin ang kasal Red.” Mahinang sambit ni Kate.

“What did you say?”

“Let’s end this now Red.” Inalis ni Kate ang dalawang sing-sing sa kamay niya at nilapag sa dash board.  Napansin ni Red ang ginawa ni Kate dahil nasilaw siya sa kinang ng diamond na nasa dash board na.

“Put it back Kate.” Order ni Red.

Walang ginawa si Kate.  Tahimik lang.

“I said put it back.” May inis na sabi ni Red.  Wala pa ring ginawa ang dalaga.

Biglang itinabi ni Red sa emergency bay sa may Guadalupe ang sasakyan. 

“Putang ina Katrina Victoria Buenavista, I said put it the fuck back in your fingers or all hell will break loose!” sumigaw na si Red.  Tinitigan lang ni Kate si Red.

Chin up and with great conviction nagsalita si Kate.

“Make me.”

Naglabas ng hininga si Red na parang isang bull na susugod sa isang matador.

NIlagay ni Red ang dalawang kamay sa likod ng ulo ni Kate at forcibly hinalikan ni Red ang dalaga.  Buong riin.  It was a violent kiss.  Puno ng galit.  Puno ng passion.

Red was expecting great resistance, but it only took him a few seconds before she weakened her resolve and replied with passion and submission.

In a few more seconds, he was all over her.  Her ears, her neck, and going below her neck line.  Then, the noise of the passing MRT above them made him realize where they were.

Natigil si Red.  He leaned his forehead to her forehead as he continued to breathe heavily.

“Shit Kate! What am I going to do with you?” bulong ni Red.

“Just take me home Red.” Sagot ni Kate.

Hinalikan ulit ni Red si Kate bago pa ito umayos ng upo at tinuloy na ang pag-drive papunta sa bahay ni Kate.

Traffic ang Edsa.  As usual.  Tahimik pa rin silang dalawa.

Napangiti si Red.  Nagpasalamat sa Panginoon na kahit papaano, kahit ito lang na aspetong ito ng relationship nila, kontrolado niya pa rin si Kate.  Isang hawak lang niya, isang halik, tumutupi na agad ang nobya sa kanya.

At ang ginawa nito kay Dee, epic talaga.  He couldn’t believe Kate had it in her.  Natutuwa siya na nagselos ito enough to do what she did this evening.  Surely, there must be somekind of feeling in there for him. 

Ngunit, bakit ba siya concerned kung may feelings si Kate sa kanya na beyod sa passion and lust na nararamdaman nila sa isa’t-isa?

“Hoy, bakit pangiti-ngiti ka dyan?” nagsalita na si Kate.

“Ha.. ah wala…” ngumisi pa ito.

“Red ha, hindi porke’t nakukuha mo ako sa mga halik mo off the hook ka nang demonyo ka.”  Nakangiti pa rin si Red, halos humagalpak na sa tawa ngunit tiniis ni Red.  Ayaw nitong ma-offend ang gf.

“I know…” tiningnan ni Red ang dalaga.  “So, how do you want me to make up for it?” malamang tanong ng lalaki.

“Anong make-up make-up for it!  Pagdusahan mong tang ina mo!” nabuhay ang galit ng dalaga.

“Oh c’mon Babe, don’t tell me after everything nagseselos ka pa rin kay Dee.”

“Anong nagseselos?  Hindi ako nagseselos!” tanggi ni Kate.  Lalong napangisi si Red.  Ang pride nga naman talaga.

“So, how will you explain that incident outside One World?”

“Why should I explain?  Isn’t it obvious?  You are engaged to me, twice man TWICE!  Then I see you kissing that bitch!”

“It’s jealousy Babe.” Sagot ni Red.

“It’s not jealousy, I felt betrayed you idiot!  Respeto lang Red.  Wala naman akong ibang gusto.  I’m not even asking for your love.  Just respect me as your fiancée.  Di ba may usapan na tayo na after the wedding we can go on and live our lives as we want?”

“Yes… okay…” hindi sure si Red kung saan pupunta ang usapang ito.

“Well, wait for the wedding.  After the wedding pwede ka na ulit makipaghalikan sa kahit sino mo gusto.”

“Wait… sandal lang…” hinarap ulit ng lalaki ang dalaga.  Buti na lang traffic pa rin, usad pagong, ni wala pa sila sa kalahati ng Guadalupe at Shaw.  “So, are you expecting that after our wedding papayagan kitang makasama si Nigel?”

“Well, isn’t that what you meant when you said we can live our own lives after the wedding?”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Red.  True, maybe at that time he said it he meant it that way, but shit!  Tang ina na lang kung papayagan niya siyang makipagkita pa sa Nigel na ‘yun.

“No, I’m not going to allow you to see Nigel again ever.  Over my dead fucking body!” sagot ni Red.  Maaaring magulo pa ang sitwasyon pero if there is one thing he is sure of, he will definitely not allow her to see anyone else, not Nigel, not anyone, ever, forever.

Forever… natigilan si Red sa sariling mga iniisip niya.  Am I really starting to love this crazy, alcohol-filled, hot and passionate woman?

“Oh hell if I will allow you to see Dee also after the wedding.  Ibig mong sabihin ako bawal pero ikaw pwede?”

“I’m not going to see Dee again, ever.” Sagot ni Red, gumagalaw na naman ang traffic.  Malapit na sila sa Edsa-Shaw underpass.  “Tinapos ko na kanina.”

Nagulat si Kate sa sinabi ni Red.

“What did you say?”

“We are so done, Dee and I.  I also told her not to do anything to bother you.  I told her she would have to answer to me.  I will not let her hurt or harm you.  Yun ang pinag-usapan naming kanina.  I’m all yours Babe.”  Ngumiti ng bahagya si Red.

Natahimik si Kate sa sinabi ni Red.  Pero may gumugulo pa rin sa isip niya.

“Eh ano yung kiss na nakita ko kanina?”

“Hindi ako nag-initiate noon.  Nagulat na lang ako at bigla akong sinunggaban ng halik ni Dee.”

“Nagustuhan mo naman.”

“Ano ka ba Babe?”  inakbayan ni Red ang nobya at niyakap papalapit sa kanya.  “You have no reason to be jealous Babe.  No reason at all.”  Hinalikan ulit ni Red ang nobya sa lips.  Smack lang this time. "Now put the rings back on your fingers Babe."

Sinimangutan ito ni Kate, pero sumunod rin.  

"That's my girl."  Hinalikan ulit ito ni Red sa lips, dampi lang.

 Hindi na nakasagot si Kate.  Tuloy-tuloy nang hinatid ni Red si Kate sa La Vista.

The Reluctant Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon