CHAPTER 11: When Shit Hits the Fan

3.9K 62 0
                                    

CHAPTER 11:  When Shit Hits the Fan

 

Hindi makapaniwala si Red sa nakita.  Sumikip ang dibdib sa eksena.  Ang fiancée niya may kahalikan nang iba.

Putang ina!  Dalawang linggo pa lang from the engagement party naglalandi na siya.

Nagsimulang mamuo ang galit na nararamdaman.  Nagpasya siyang sundan ang CRV.

Sa EDSA ito dumaan.  Kinabahan na si Nigel.  Mas mabilis pumunta ng La Vista through C5, bakit sa EDSA dadaan?

Lalo itong kinabahan nang kumaliwa ito sa EDSA taking the flyover to Buendia instead of turning right going to Quezon City.

What the f----!  Saan pupunta ang dalawang ito?

Sinundan lang ni Red ang CRV.  Lalong lumalakas at tumitindi ang galit.

Binagtas ng sasakyan ang patungong Paseo de Roxas, hanggang makarating sa One World.

Mahirap maghanap ng parking sa Greenbelt. 

‘Tang ina naman! Dapat nagpa-valet na lang ako. 

Nakahanap na rin siya sa wakas after about 5 minutes.

Pagkapark halos tumatakbong tinungo ni Red ang One World.  Nagitla ito sa naabutan.

Nakayakap si Nigel kay Kate at nakaplanta na naman sa batok nito ang labi ng lalaki.  Tinapik niya ito at nang humarap sa kanya ay sinuntok ito sa mukha.

“Red!”  Sumigaw si Kate.  Tinungo si Red at umawat.  Akmang gaganti na ng suntok si Nigel nang sinuntok ulit ito ni Red.  “Red!  Ano ba?  Tigil!”  Sumuntok naman si Nigel na lumanding sa panga ni Red.  “Ano ba kayo!”  Niyakap na ni Kate si Red.

Dumating na ang mga bouncer at security.  Inawat na ang dalawa.

“You can’t have her.  She’s mine!” Sumigaw si Red. 

“Red ano ka ba!  Stop it!”  Ayaw magpapigil si Red lalapitan pa rin si Nigel.  Nilayo na ni Kate si Red.  “Ako na po ang bahala.”  Sabi nito sa security.

The Reluctant Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon